KC Concepcion, pag-iisipan na ang pag-aasawa pag humupa na ang COVID-19 pandemic

  • Iniisip na ni KC Concepcion ang pag-aasawa paglipas ng COVID-19 pandemic
  • Dahil nalulungkot sa self-quarantine, sinabi niya na ayaw na niyang mapag-isa
  • Sabi ni KC may positibong epekto sa planeta ang lockdown na ipinatutupad sa iba’t ibang panig ng mundo

Nababagot na si KC Concepcion, ang anak ng Megastar na si Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, dahil sa pag-iisa sa tinutuluyang condominium sa gitna ng enhanced community quarantine kaya pag-iisipan na raw niyang mag-asawa kapag natapos ang COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa Instagram account ni KC Concepcion

Sa Instagram, sinabi ni KC na mabuti pa ang personal assistant niyang si Puff dahil kasama nito ang “jowa” nito, samantalang siya ay mag-isang nababagot sa condo unit niya dahil sa self-quarantine.

Gumanda naman daw ang araw niya nang matanaw ang isang kapitbahay at nagkawayan silang dalawa.

“While cooking today, I saw a neighbor from my window. We smiled and waved at each other, and oh my gosh it made my day,” post ni KC.

“Dear God, after this pandemic promise ko sa ‘yo, I will seriously consider marriage na. Ayoko na mag-isa. And thank you din God na may nahanap si Puff na mag-aalaga sa kanya. Dream ko ‘yun for her.Me naman next, Lord, ha?” sabi niya.

Sa hiwalay na Instagram post, napansin niya ang positibong epekto ng ipinatutupad na lockdown sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Aniya, naghihilom ang ating planeta dahil lockdown. Ang kalangitan ay umaliwalas dahil nabawasan ang air pollution mula nang magsara ang mga malalaking pabrika at ang public transportation ay ipinatigil.

Imahe mula sa Instagram account ni KC Concepcion

“Science is showing that the skies are clearing up- pollution emissions are reduced big time as factories close and transport is stopped,” ani KC.

Dagdag pa niya, dahil sa krisis na nararanasan ngayon ay lalong tumitibay ang koneksyon ng mga tao sa bawat isa.

Loading…