Kilalanin ang Pinay na tinaguriang ‘One-Armed Mamba’

Imahe mula sa video ng ABS-CBN News via YouTube / Nike and Treehouse Story
  • Kahit wala na ang idolong si Kobe Bryant ay patuloy itong nagbibigay ng inspirasyon sa tinaguriang One-Armed Mamba
  • Bata pa lang si Kathryn Tan ay idolo na niya si Kobe at nakita na rin niya ng personal ang Black Mamba
  • Ibinahagi niya ang mga aral na natutunan mula kay Kobe

Sariwa pa sa alaala ni Kathryn Tan, ang Pinay na tinaguriang One-Armed Mamba, ang huling pagkikita nila ng NBA legend na si Kobe Bryant noong bumisita ito sa Pilipinas taong 2013.

Imahe mula sa video ng ABS-CBN News via YouTube

Hindi lamang na-meet ni Kat ang kaniyang idolo — binigyan pa siya nito ng isang hamon na i-shoot ang bola at hindi naman niya binigo ang Black Mamba. “You make it, they don’t have to run. You miss it, everybody runs a 17. The worst part is that if you missed it, they run; you watch,” sabi noon ni Kobe.

Namangha ang lahat nang ma-shoot ni Kat ang bola. “That was crazy. Out of all the kids, they chose her, and she drilled it. When she let the ball go and it was in the air I was like ‘Oh sh*t I think it’s going in,’” sabi noon ni Kobe.

Sa isang interview sa Bandila, sinabi ni Kat na masaya siyang nabigyan siya ng pagkakataon upang mapasaya ang idolo.

“That day, I made him proud kahit in my own little way. [I did] something to give back,” sabi niya.

Nobyembre 1996 daw nang maputol ang kaliwang braso ni Kat dahil sa isang aksidente ngunit dahil sa kaniyang idolo ay nagkaroon siya ng lakas ng loob na ipagpatuloy ang kaniyang hilig sa paglalaro ng basketball.

“There are a lot of criticisms against Kobe but he still kept pushing himself to be the best. Siyempre nakaka-relate ako kahit papaano because of my situation. There are people questioning my ability to play,” sabi niya.

Imahe mula sa video ng ABS-CBN News via YouTube / Nike and Treehouse Story

Una silang nagkita ni Kobe noong 1998. “I remember I sat beside him while having lunch. He was talking to me, asking me questions. All I can remember was answering him with yes, yes, yes. I was so lost for words,” kuwento niya.

Malaki raw ang naging impluwensya sa kaniya ni Kobe at kahit wala na ang idolo ay patuloy pa rin siyang maglalaro. “His memory will always be with me. I will continue believing in myself because he believed in me. I will continue making him proud up there,” aniya.

Nasawi si Kobe, ang anak na si Gianna, at pitong iba pa sa isang helicopter crash nitong Enero.

Panoorin ang video na ibinahagi ng Kapamilya network sa YouTube:

 

Loading…