Kilalanin si Mona Louise, ang dating child star na kapatid ng internet sensation na si Ivana Alawi

  • Bago sumikat si Ivana Alawi, una munang naging popular ang kanyang kapatid na si Mona Louise
  • Una itong napanood sa top-rating serye ng GMA Network na Ang Munting Heredera na tumagal ng higit isang taon
  • Si Mona rin ang nag-impluwensiya sa kanyang kapatid na si Ivana na mag-vlog

Sikat na sikat ngayon ang tinaguriang bagong pantasya ng bayan na si Ivana Alawi. Mula sa pagiging vlogger, isa na ngayong contract artist ng ABS-CBN si Ivana na nakatakda nang bumida sa kanyang unang teleserye.

Ngunit bago sumikat si Ivana, isa pang personalidad mula sa kanilang pamilya ang unang umikit ng pangalan sa showbiz. Madalas na mapanood ang nakababatang kapatid ni Ivana na si Mona Louise Rey, kilala na ngayon bilang si Mona Alawi, sa kanyang mga vlogs. Pero bago sumikat sa vlogs ni Ivana, isang kilalang child star si Mona mula sa GMA Newtork.

Larawan mula sa GMA Network

Isang breakthrough child actress si Mona na unang napanood sa top-rating serye na Ang Munting Heredera kasama sina Camille Prats, Gloria Romero, at Roderick Paulate. Sumikat ang nasabing serye at tumagal ng higit isang taon sa ere.

Dahil dito, naging contract star ang noon ay 7-anyos na si Mona ng GMA Artist Center. Nagkaroon din siya ng maraming lead roles sa Kapuso network kahit batang-bata pa noon si Mona. Nagawa niya ang mga seryeng Aso ni San Roque, Luna Blanca, My BFF, at Buena Familia.

Naging kontrobersyal din noon si Mona kahit nag-uumpisa pa lamang sa showbiz. Sa kanya kasi murang edad, nalaman nilang mayroong type 1 diabetes  at kailangang magturok ni Mona ng insulin at sumunod sa isang healthy diet.

Sa mga fans ni Ivana, dapat ay pasalamatan ninyo si Mona dahil siya ang nag-impluwensiya sa kanyang ate na mag-vlog. Tatlong na ang nakalilipas nang unang gumawa si Mona ng video para sa kanyang channel na may halos 900,000 followers na ngayon.

Larawan mula sa Instagram account ni Mona Alawi

Dahil madalas niyang isama ang kanyang ate Ivana sa mga videos niya, napagpasiyahan na rin ni Ivana na gumawa ng sariling YouTube channel na isa na sa most followed vlogs ngayon sa ating bansa. Hindi na aktibo si Mona sa kanyang sariling vlog dahil mas madalas na siyang mapanood sa channel ng kanyang ate Ivana.

Hindi na rin ganoon kaaktibo si Mona sa showbiz. Wala siyang bagong proyekto sa GMA Network kaya naman may haka-haka ngayon na susundan niya ang kanyang ate sa Kapamilya network.

Panoorin ang isang panayam ni Mona sa GMA Network:

Loading…