Kim Chiu, may napagtanto sa buhay matapos tambangan ang sinasakyan niyang van

  • Lubos ang pasasalamat ni Kim Chiu sa pagkakaligtas nila ng kaniyang mga kasamahan nang tambangan ang sinasakyan niyang van noong nakaraang linggo
  • Sa isang Instagram post, pinasalamatan ng aktres ang mga taong tumulong sa kaniya
  • May mga nakilala rin umano ang dalaga na mga taong gusto siyang pabagsakin ngunit nilinaw niyang hindi siya magtatanim ng sama ng loob sa mga ito

Maikli at napakahalaga ng ating buhay. Ito ang napagtanto ni Kim Chiu matapos ang insidenteng kinasangkutan nito isang linggo na ang nakalilipas.

Sa kaniyang latest Instagram post, ikinuwento ng aktres kung paano niya naramdaman ang presensiya ng Diyos na prinoteksiyonan sila sa loob ng van.

Imahe mula sa Facebook ni Kim Chiu

“…that day made me realize life is really short, life is very precious and most of all felt God’s presence. He protected me, my PA, and my driver,” ayon kay Kim.

Pinapurihan din niya ang Diyos sa mala-himalang pagkakaligtas niya mula sa insidenteng iyon.

“He is really powerful among us all. I must say it was a miracle. I could not explain the feeling but I know He was with us and so our guardian angels,” dagdag pa ni Kim.

Pinasalamatan din ni Kim si Direk Lauren Dyogi na sumundo sa kaniya sa taping at tiniyak ng direktor ang kaniyang kaligtasan.

Pinasalamatan din niya ang mga kasamahan sa Star Magic at sa isang kaibigan na agad nakipag-ugnayan sa mga abogado para sa legal na aksiyon kaugnay sa insidente.

“So many people helped me get through this. I am blessed to be surrounded with these kind of people,” dagdag pa ni Kim.

Sa ngayon, unti-unting lumalabas ang katotohanan at masaya ang aktres dahil siya ay buhay pa sa kabila ng mga nangyayari at kontrobersiya.

Nakilala rin ni Kim ang mga taong busilak ang kalooban sa pagtulong at ang mga taong tunay na nagpapahalaga sa kaniya.

Imahe mula sa Facebook ni Kim Chiu

Bukod dito, nakilala rin umano ni Kim ang mga taong gusto lamang siyang pabagsakin. Gayunman, nilinaw ng aktres na ayaw niyang magalit sa mga taong ito.

“Puno ng pasasalmat ang puso ko. I’m just happy that I am here posting another IG post and thanking Him for this precious life! Tuloy ang buhay!” pagwawakas ni Kim.

Source :

Instagram

Loading…