Kim Chiu namigay ng bigas sa 500 pamilya sa Marikina

Imahe mula sa Twitter | MJ Felipe
  • Namigay ng bigas sa 500 pamilya ang aktres na si Kim Chiu sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine dahil sa COVID-19
  • Aniya, personal siyang tumulong sa pagre-repack at pag-dedeliver ng mga bigas
  • Paalala niya rin, pantay pantay ang lahat dahil mahirap man o mayaman ay nagkakaisa sa kahilingan na matapos na ang COVID-19

Namahagi ang Kapamilya actress na si Kim Chiu ng bigas sa 500 pamilya sa apat na barangay sa Marikina bilang tulong dahil maraming hanapbuhay ang natigil nang isailalim sa enhanced community quarantine ang buong Luzon. Ipinatupad ito upang maiwasan ang pagtaas ng bilang ng kas0 ng COVID-19 sa bansa.

Imahe mula sa Twitter | MJ Felipe

Sa isang panayam  ay ibinahagi ni Kim na personal siyang tumulong sa pagre-repack at pamamahagi ng mga bigas.

“Gusto kong magbigay ‘di lang sa fundraising, sa donation, gusto ko yung mapagod din ako, galaw-galaw, bukod sa exercise. Ang sarap mag-repack ng mga bagay-bagay tapos maihahatid mo sa mga pamilya dito sa kung saan ako nakatira,” sabi ni Kim, ayon sa Push.

Dagdag pa niya, dahil sa kinahaharap na pagsubok ngayon ay naging pantay-pantay na ang lahat.

“Walang mahirap, walang mayaman. Iisa na lang yung dinudulog natin na sana ay matapos na lahat ito,” aniya.

Imahe mula sa Instagram | Kim Chiu

Naging mas malakas din daw ang pananampalataya ng mga tao dahil sa ngayon ay wala pang gamot sa COVID-19 kaya marami ang kumakapit sa panalangin.

Ang kaniyang pamilya raw ay laging ipinanalangin ang kaligtasan ng lahat, lalo na ng mga nagsisilbing frontliners.

“Siyempre iba iba tayo ng dinaranas na problema ngayon. Sana tibayan lang nila ang loob nila, tibayan nila ang paniniwala sa Panginoon na sana ay matapos na lahat ito. Tibay lang ng loob, ng resistensiya, tibay lang, tiwala sa Panginoon,” paalala niya.

Habang isinusulat ito ay umabot na sa 1,000 ang kas0 ng COVID-19 sa bansa.

Source :

Twitter, Push

Loading…