Klase mula Marso 10-14, kanselado na; mungkahing one-week NCR lockdown, ‘di pinaboran ng pangulo

  • Umabot na sa 24 ang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas habang isinusulat ang balitang ito
  • Ilan sa mga bagong naitalang pasyente ay nagmula sa Metro Manila tulad ng Quezon City, San Juan City. Marikina City
  • Kaugnay rito, nagdeklara na si Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang klase sa lahat ng antas sa buong Metro Manila mula Marso 10 hanggang Marso 14

Kanselado na ang klase sa buong Metro Manila mula Marso 10 hanggang Marso 15 ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay inianunsiyo ng pangulo sa isinagawang live press conference sa Malacañang Palace noong gabi ng Marso 9, 2020.

Imahe mula sa Pixabay

Ang pagkanselang ito ay dulot ng banta ng mabilis na pagkalat ng virus na sa mga oras na ito ay umabot na sa 24 ang kaso sa Pilipinas.

Samantala, bukod sa pagkansela ng klase, iminungkahi naman ni Rep. Joey Salceda ang one-week-lockdown ng Metro Manila.

“Everyone is a suspect now, thus, the need for isolation shock,” paliwanag ni Salcedo ayon sa report ng GMA News.

Saklaw ng mungkahing ito ni Salceda ang pagpapaliban ng klase sa eskuwela at pasok sa trabaho. Hindi rin pahihintulutan ang pagbiyahe ng mga bus at pagkansela sa mga domestic flights.

Iminungkahi rin niya ang pagsasara ng South Luzon Expressway at North Luzon Expressway, maging ang mga biyahe ng mga tren.

Gayunman, hindi pumabor si Pangulong Duterte sa mungkahing ito ng mambabatas. Ayon sa pangulo, hindi pa humahantong sa ganoong kapeligro ang kontaminasyon para sa one-week lockdown.

Imahe mula sa Wikipedia

“We have not reached that kind of contamination. There will be a time, I supposed, but I hope not, I hope that God will have mercy in the entire Filipino people,” pahayag ng pangulo.

Paliwanag pa ni Duterte, hindi ibig sabihin nito ay hihintayin pa ng pamahalaan na lumala ang sitwasyon. Pero kapag umabot na ito sa nakaaalarmang sitwasyon ay posible umano ang pag-lockdown.

Loading…