Kolumnista hinggil sa women empowerment: “Imagine themselves as a board director, a member of an executive team”

  • Isang kolumnista ang nagsabing kailangang suportahan ang mga babae upang patuloy pang maabot ang kanilang mga pangarap
  • Hayaan daw silang mangarap na maging board director o maging kasapi ng isang executive team
  • Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens

“We need to help our daughters, nieces, granddaughters and, for educators, our women students, to dare to imagine themselves as a board director, a member of an executive team.”

Iyan ang isa sa mga highlights sa kolum na may pamagat na “Women at the helm” ng kolumnistang si Michael Tan ng “Inquirer” noong Pebrero 28, 2020, na humihikayat sa mga lalaki na huwag lamang tingnan ang mga babae bilang tagapag–asikaso sa mga gawaing–bahay, kundi hayaan silang pumalaot at mamayagpag sa iba’t ibang larangan.

Public Domain Image

Ginawang halimbawa ni Tan ang bagong kasapi ng UP Board of Regents na si Dr. Maria Arlissa Diaz Aguiluz, na pinalitan ang kontrobersyal na si Frederick Mikhail “Spocky” Farolan. Bukod kay Aguiluz, kabilang din sa UP BOR ang isa pang babae na si staff regent Mylah Pedrano.

“That made me think about our own situation in the Philippines. I sit on several boards of nonprofit organizations, which usually have several women, even in the majority. The contrast hit me when I was first asked to sit as an independent director (meaning a non–shareholder) in a large company. In my first years with that company board, there were only two women. Now it only has one,” ayon kay Tan.

Sa pagpapatuloy, “Tell me about it, I laughed, when I read about ‘aggressive risk-taking.’ Women are more careful and more conscious about the social consequences of decisions, besides being more sensitive to the needs of women, of minorities and other marginalized groups.

Kaya naman, sinabi ni Tan na kailangang bigyan pa ng mas maraming pagkakataon ang mga babae na maipamalas ang kanilang pamumuno, sa politika man, pagnenegosyo, edukasyon, at iba’t ibang mga organisasyon o samahan.

Pahayag pa niya, “Filipino men like to joke about how their wives are the bosses, even the commander, but it all comes out as delegated power, and is still confined to household affairs.”

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

“That depends on what the person/woman wants to be. There is honor in both being executives or household chief,” saad ng isa.

Public Domain Image

Pagbabahagi naman ng isa, “For some reasons, this reminds me of Zozibini Tunzi’s winning answer in last year’s Miss Universe.”

“I agree with you Sir! Pero dakila rin naman ang pagiging isang mabuting maybahay, yung mapapalaki nang maayos ang mga anak at maaasikaso ang asawa,” turan naman ng isa.

Ikaw, anong masasabi mo tungkol dito?

Loading…