Komedyanteng si Mahal, nagbigay ng good vibes sa video niyang napagkamalang pusa sa loob ng Kapuso building

  • Trending ang video ng komedyanteng si Mahal sa loob ng GMA Network
  • Napagkamalan kasi siyang pusa sa loob ng gusali dahil sa kanyang ginawang tunog habang nagti-Tiktok
  • Maraming netizens naman ang na-good vibes dito at umabot agad sa higit isang milyon ang views

Balik-telebisyon ang bulinggit, pero iconic na si Mahal. Isa siya sa mga cast members ng upcoming Kapuso romatic-comedy na Owe My Love na ipo-produce ng GMA News and Public Affairs. Pero hindi pa man napalalabas ang serye, trending na si Mahal ngayon at nagbibigay na ng ngiti sa mga netizens.

Trending sa Facebook ang TikTok video ni Mahal na kuha sa loob ng building ng Kapuso network. Maririnig na tila may pusang umaalingaw-ngaw sa loob ng gusali ng GMA. Paglapit ng kumukuha ng video sa lugar kung nasaan ang tunog, naroon pala si Mahal at nagti-Tiktok.

Larawan mula sa Facebook video ng GMA News

“Yes, ako ‘yun… nagmi-meow,” sabi ni Mahal sa kumukuha ng video habang natatawa. Agad namang nag-viral sa social media ang video na ito ni Mahal. Habang isinusulat ang balitang ito, mayroon nang higit 1.1 million views ang pag-meow ni Mahal.

Kasama pa nito ay ang 25,000 reactions na karamihan ay ‘haha,’ 4,000 comments, at 22,000 shares. Nagbigay naman iba’t ibang opinyon ang mga netizens na na-good vibes sa TikTok ni Mahal. Ayon sa kanila, dahil sa tunog ng pusa, naalala nila ang kanilang kinahuhumalingang mobile game ngayon na Adorable Home.

Mayroon namang isang nagkomento na nai-play niya raw nang naka-loudspeaker ang video ni Mahal. At narinig daw ng mga aso ng netizen ang tunog na ginagawa ni Mahal sa video at umikot dawn ang umikot ang mga aso at tila hinahanap kung saan nanggagaling ang tunog.

“Ang ingay ng mga dogs ko nang narinig nila ito… Ikot nang ikot sa buong bahay. Hinahanap yung pusa. Kaloka ka, Mahal!” komento ni Marlou Olano Torrevillas sa video ng Owe My Love page.

Larawan mula sa Facebook video ng GMA News

Ang iba naman, hindi isang pusa ang narinig sa video ni Mahal kung hindi isang sanggol na umiiyak. Ganito raw kasi ang tunog ng anak nila kapag humihingi na ng pagkain nito. Komento naman ng iba, masaya sila para kay Mahal at muli itong napapansin matapos ang ilang taong pananamlay ng karera nito.

Wala pang airing date ang serye ng GMA na kabibilangan ni Mahal. Pagbibidahan ito nina Benjamin Alves, Winwyn Marquez, at pagbabalik-primetime ni Lovi Poe. Makakasama rin nila sa serye sina Long Mejia, Ai-ai delas Alas, Leo Martinez, at Jackie Lou Blanco.

Panoorin ang trending video ni Mahal:

Loading…