Koreanobelang unang ipinalabas noong 2018, may nakagugulat na kaugnayan sa COVID-19

  • Isang Koreanobela ang nag-viral na unang ipinalabas noong 2018, ang tungkol sa paglaganap ng COVID-19 sa kasalukyan
  • Ang Koreanobela ay pinamagatang “My Secret, Terrius” na maaaring mapanood sa Netflix

Kinahihiligan ng maraming Pilipino ang panonood ng mga drama series mula sa South Korea, mas kilala sa atin sa tawag na “Koreanobela.” At malamang din na marami ang nakatutok ngayon sa isang Koreanobela na kaugnayan sa ating kasalukuyang sitwasyon.

Imahe mula sa Wikipedia/Kinocine

Kumakalat ngayon sa social media ang tungkol sa Korean series na pinamagatang “My Secret, Terrius” na orihinal na umere sa South Korea mula Setyembre 27, 2018 hanggang Nobyembre 15, 2018. Pinagbibidahan ito ng Korean actor na si So Ji-sub.

Naipalabas na rin ito ng ABS-CBN para sa mga Pilipinong manonood mula Setyembre hanggang Nobyembre 2019 na may pamagat na “Codename: Terrius.”

Isang partikular na eksena sa Koreanobela ang may nakagugulat na kaugnayan sa nararanasan natin sa kasalukuyan—ang paglaganap ng COVID-19.

Sa simula ng ika-53 minuto ng episode 10 ng Koreanobela, pinag-usapan ng mga tauhan ang ukol sa pagkalat ng pinaghihinalaan nilang isang mutant coronavirus.

Gayunman, ipinaliwanag ng tauhang doktor sa serye na dahil isang mutant virus iyon, maaaring umabot sa 90 porsiyento ang mortality rate ng sakit, dahilan para maubos ang malaking populasyon sa mundo.

Ipinaliwanag din ng doktor sa serye na nabubuhay ang virus sa loob ng dalawa hanggang 14 na araw, tulad ng COVID-19. Direktang inaatake nito ang baga ng tao sa loob lamang ng limang minuto sa oras na malantad sa virus.

Mas umigting ang kontrobersiya nang bigyang-diin sa Koreanobela na kagagawan ng tao kung bakit nadebelop ang virus na iyon dahil nais itong gamiitin bilang sandata ng mga terorista.

Nahulaan kaya sa serye ang pagkalat ng COVID-19 sa ating kasalukuyang panahon?

Imahe mula sa Pixabay

Sana, hindi magkatotoo ang “hula” na ang bagong virus na ito ay sinadyang gawin ng tao para sa makasariling dahilan. Sana rin ay makagawa na rin ng bakuna panlaban dito,

Samantala, kasalukuyan ding mapapanood ang “My Secret, Terrius” sa Netlix.

Loading…