Kris Aquino, pinasundo ng helicopter ni Willie Revillame sa Boracay at dinala sa sariling resort

  • Kris Aquino nagtungo sa Boracay para doon palipasin ang 30-day community quarantine sa Metro Manila
  • Mula sa Boracay ay pinasundo sila ng helicopter ni Willie Revillame
  • Dinala sila ni Willie sa sarili niyang resort sa Puerto Galera

Nasa Boracay si Kris Aquino at dalawang anak na sina Joshua  at Bimby para sana doon gugulin o palipasin ang community quarantine na ipinatutupad sa buong Metro Manila, pero pinasundo sila ni Willie Revillame sa helicopter nito para dalhin sa sarili nitong resort.

Screenshot mula sa video ni Kris Aquino

Sa post sa Instagram, ikinuwento ni Kris Aquino na nasa Boracay silang mag-iina para doon pansamantalang mamalagi hanggang matapos ang isang buwang community quarantine.

“I’ll try to make this short, TRY— for the community quarantine we were ready to stay in Boracay but realistically marami kaming 3 na kailangang prescription meds, medyo aware na kayo sa autoimmune ko, kuya has reflux & bimb has asthma, simula si Kris.

Pero isang mabait, mapagbigay at espesyal na kaibigan daw ang nagpasundo sa kanila sa Boracay gamit ang helicopter nito – na walang iba kundi ang popular na “Wowowin” host na si Willie Revillame – at dinala sila sa sarili nitong beach resort.

“A kindhearted, generous, and special friend of ours pinasundo (thank you Capt. Elmer) and ngayon kinukupkop kami,” ani Kris na pinasalamatan pa ang piloto ng helicopter.

Screenshot mula sa video ni Kris Aquino

Nagpapa-renovate daw siya ng bahay kaya sa resort sila magpapalipas ng ilang linggo.

“Bakit ‘di po kami dumirechong umuwi? Wrong timing kasi ako…nagpa renovate ng 2nd floor. Clean and ready early next week” aniya.

Nag-upload pa si Kris ng video kung saan ipinakitang sakay sila ng helicopter at noong nasa resort na sila ni Willie. Sa bandang dulo ng video ay makikita ang Wowowin host na nag-spray ng pabango sa silid na tutuluyan ng mag-iina.

Screenshot mula sa video ni Kris Aquino

Loading…