Lalaking namimigay ng gatas, hinangaan ng netizens

Imahe mula sa Facebook | Aris Natividad
  • Isang netizen ang namamahagi ng gatas para sa mga batang may edad 0 hanggang 3
  • Aniya, naisip niya itong gawin dahil ang kadalasang laman ng relief goods ay para lamang sa mga matatanda
  • Marami ang nagpasalamat sa kaniya dahil sa ginawa niyang ito

Inulan ng pasasalamat ang isang netizen na namahagi ng gatas para sa mga bata.

Imahe mula sa Facebook | Aris Natividad

Sabi ni Aris Natividad, naisipan niyang magbigay ng mga gatas para sa mga bata 0 hanggang 3 anyos dahil karaniwang para sa matatanda lamang ang laman ng relief goods na ipinamamahagi ng mga barangay at local government units.

“Pagpasensiyahan ninyo na po. Ito lang ang nakayanan ko,” aniya. “Sana po doon lang sa mga nangangailangan at wala na talagang budget na pambili para sa mga babies nila. Kung may budget pa po kayo, ipaubaya na lang po natin ito sa mas nangangailangan.”

Sa hiwalay na post ay ibinahagi niya rin na may naabutan na siya ng tulong — isang 7 taong gulang na bata na may kapansanan. “Noong baby pa po siya ay nakainom siya ng kemikal kaya nagkaganiyan po siya,” paliwanag ni Aris.

Imahe mula sa Facebook | Aris Natividad

“Alam ko po na hindi ito sapat pero sana kahit papaano ay makatulong ito.”

Humingi rin siya ng pang-unawa dahil mga malapit lamang sa kanilang lugar ang matutulungan niya dahil mahihirapang makapasok o makalabas sa kanilang lugar sa Bagong Silang, Caloocan dahil sa umiiral na enhanced community quarantine.

Inulan ng mga komento ang post ni Aris mula sa mga magulang na nais na mabiyayaan ang kanilang anak.

Ang isang netizen, bagama’t hindi nanghihingi ng tulong ay nagpasalamat dahil may kagaya pa raw ni Aris na naiisip ang kapakanan ng mga bata.

“Salamat naman sa Diyos at may mga ganitong tao pa na iniisip ang kapakanan ng iba. Lalo na yung mga baby. Ako na ang magpapasalamat para sa mga taong natulungan mo at sa mga tutulungan mo pa,” ani Aira Y. na kahit may anak din ay hindi raw nangangailangan ng formula milk dahil mas pinipili niyang mag-breastfeed upang hindi mamroblema sa pambili ng gatas.

Salamat, Aris! God bless you!

Loading…