Lambanog mahusay na alternatibo sa rubbing alcohol bilang disinfectant – Quezon health official

  • Mahusay na disinfectant ang lambanog, ayon sa health officer ng Quezon Province
  • Maaari itong gamiting alternatibo sa rubbing alcohol
  • Mas abot-kaya ang presyo ng lambanog kumpara sa kilalang disinfectant

Inirekomenda ng health officer ng Quezon Province ang paggamit ng lambanog bilang alternatibo sa rubbing alcohol na isang disinfectant upang mapigilan ang pagkalat ng virus na nagdudulot ng COVID-19.

Imahe mula sa PhilNews

Ito ay sa gitna ng panic buying ng mga mamamayan na nagreresulta sa pagkaubos ng mga rubbing alcohol at hand sanitizer sa mga pamilihan.

Sa isang emergency meeting na isinagawa ng Provincial Government ng Quezon na pinangunahan ni Governor Danilo Suarez kung saan tinalakay ang mga paraan sa pag-iwas sa COVID-19, ibinahagi ni Dr. Grace Santiago, ang Quezon health officer, na mabisang disinfectant ang coconut-based na lambanog.

“Lambanog is an alternative disinfectant to prevent the spread of the coronavirus,” pahayag ni Dr. Santiago sa pagtitipon noong Huwebes, ika-12 ng Marso, na ginawa sa Lucena City.

Isang manghihilot mula sa Barangay Cotta sa Lucena ang nagpatotoo na noon pa man ay popular na sa mga mamamayan ng Quezon ang lambanog bilang disinfectant.

Aniya, mabisang sanitizer ang lambanog at nakapagpapaganda ito sa pakiramdam kapag ginamit na pang-massage lalo na kapag hinaluan ng dinurog na luya at iba pang halamang gamot.

Imahe mula sa PNA

Ayon naman sa isang tauhan ng tindahan ng lambanog sa city market, lumakas ang bentahan nito ngayon lalo na at nagkakaubusan ng rubbing alcohol sa mga pamilihan dahil sa nangyayaring panic buying. Dahil sa 80 hanggang 85 percent alcohol content ng lambanog ay ito na ang ipinalit ng maraming mamamayan ng Quezon bilang disinfectant..

Mas mura din kasi ito, aniya. Ang isang 320 ml ng lambanog ay P20 lang ang presyo samantalang ang 500 ml na rubbing alcohol ay nasa P84 ang bentahan.

Sa kasalukuyan ay nananatiling COVID-19 free ang lalawigan, subalit mayroon ditong 12 persons under investigation, ayon kay Gov. Danilo Suarez,

Source :

Inquirer, YouTube

Loading…