Larawan ng basketball court na nasa loob ng yungib, nagdulot ng malalim na pag-iisip

  • Palaisipan sa mga netizens ang isang trending na larawan
  • Makikita kasi rito ang isang basketball court na nasa loob ng yungib o kuweba
  • Ito ay matatagpuan sa isang village sa China

Nakakita ka na ba ng basketball court na nasa loob ng yungib o kuweba?

Nagdulot ng malalim na pag–iisip at malikot na kuryosidad ang isang larawang makikita sa Facebook page na “Viral Photos” kung saan makikita ang isang basketball court na nasa loob ng yungib.

Ang nag–iisang tanong, ito ba ay totoo o hindi? Kung totoo man, saang lugar ito makikita?

Imahe mula sa Next Shark China

Totoo ang naturang larawan, sapagkat ang naturang basketball court na nasa loob ng yungib ay matatagpuan sa isang village sa Guizhou province sa bansang China.

Ang naturang village ay napagkalooban ng government grant na 100,000 yuan o $14,400, kasama pa ang iba pang mga donasyon na umabot ng 45,000 yuan o $6,500 upang maipatayo ang naturang basketball court at makalaro ang mga lalaki at kabataang residente.

Kinaaliwan naman ito ng mga netizens lalo na ang mahihilig sa larong basketball.

Komento ng isa, “I can barely imagine the sound of the bouncing ball, it will echo for sure… I want to hear the voice of all the people shouting inside of that cave.”

“Para maalis lahat ng paniki kung saan nanggaling ang COVID-19, ginawa nilang court ang cave…hahaha,” pagbibiro naman ng isa.

Turan naman ng isa, “Sarap maglaro diyan, lalo na kapag may katropa kang mabaho ang hininga! Sisigaw ka ng ‘Ang baho ng hininga ni Jason!! Iikot mata niyon, sampu ba naman kayong nasa loob ng court tapos ume–echo pa! Buong game maririnig niya baho ng hininga”.

“This is really amazing. Nakatipid sila sa pagpapatayo ng covered court. Huwag lang sanang magkaroon ng pagyanig, kundi kawawa naman ang mga players,” saad naman ng isa.

Imahe mula sa Next Shark

Sa Pilipinas, kung walang basketball court ang isang barangay, karaniwang ginagawang palaruan ang mga kalsada. Gagawa lang ng net, hahanap ng magkabilang puno, at doon ikakabit ang mga ito. Presto, maaari nang maglaro ng basketball.

Loading…