Larawan ng isang tatay na pasan sa balikat ang anak sa kabila ng banta ng COVID-19, nagsisilbing inspirasyon ngayon online

  • Sa kabila ng mga balita sa paglaganap ng COVID-19 sa bansa, may ilan pa ring post sa social media na maaaring kuhanan ng inspirasyon
  • Isa na rito ang larawan ng amang pasan ang kanyang anak sa kabila ng pagpa-panic ng marami dahil sa community quarantine
  • Inihalintulad din ito ng uploader sa pagmamahal sa atin ng Panginoon na papasanin tayo anumang unos ang ating pagdaanan

Sa panahon na maraming ipinatutupad ang pamahalaan upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19, marami sa atin ang nagpa-panic na at maraming bagay ang hindi na muna natin maaaring gawin sa kasalukuyan. Ang ilan sa atin ay napangingibabawan na ng pangamba dahil tila lumalayo na sa normal nating pamumuhay ang mga bagay sa paligid natin ngayon.

Ngunit isang post sa Facebook ang nagbibigay ng inspirasyon ngayon sa ilang netizens. Makikita ang kuhang larawan ni Elaine Vidal kung saan pasan ng isang tatay sa kanyang balikat ang anak sa kabila ng banta ng COVID-19.

Larawan mula sa Facebook account ni Elaine Vidal

Ibinahagi ni Elaine sa kanyang post ang larawan kasama ang caption tungkol sa sweet at inspiring na eksena ng mag-ama. Pauwi na raw ang uploader isang umaga mula sa kanyang trabaho nang makita ang mag-ama na papatawid sa isang pedestrian lane sa harap ng mall sa Quezon City. Dahil lubhang mapanganib tumawid roon dahil malawak ang daan at maraming sasakyan, minabuti raw ng ama na pasanin na lang ang anak na may suot ding face mask bilang proteksyon sa COVID-19.

“While on my way home straight from night shift earlier today, I came across this father and daughter making their way to the nearest pedestrian. I did not hold back and sneakily snapped this photo,” sabi ni Elaine sa kanyang post.

Bagama’t marami na sa kanyang Facebook friends ang naantig na ginawang ito ng ama para proteksyunan ang anak, nakadagdag pa ng lalim at pagkukuhanan ng inspirasyon ang naging pagtutulad ni Elaine sa pagpasan ng tatay sa anak sa pagmamahal na ibinibigay sa atin ng Panginoon.

Larawan mula sa Pexels

Ayon kay Elaine, ang larawan daw ng magtatay ay isang simbolo na ang nag-iisa nating Ama sa Itaas ay pinapasan din tayo sa mga oras ng suliranin katulad ng panahon ngayong may kumakalat na banta sa ating kalusugan. Basta raw buo ang pananalig at hindi mawawala ang pananampalataya, darating din ang panahon na malalagpasan din natin ang pagsub0k na ito.

“Let this be the opportunity that we will declare that He is our refuge, our home. I pray that we may all claim the peace that He so freely offers and for us to take heart knowing that He has overcome the world,” pagpapatuloy ni Elaine sa kanyang post.

Loading…