Larawan ng kasipagan: Matandang lalaking kamay ang gamit sa paglakad habang nagtitinda, hinangaan ng netizens

  • Trending sa social media ang larawan ng isang matandang lalaki na tuloy ang pagtatrabaho sa kabila ng kalagayan
  • Kahit na walang paa at kamay lamang ang ginagamit sa paglalakad, nagtitinda pa rin ng ng mga inflatable na bola  ang matanda
  • Humanga naman at naantig ang mga netizens sa kalagayan ng matanda

Sabi nila, walang hadlang sa isang taong may pangarap. Anuman daw ang kalagayan ngayon, hindi dapat ito maging dahilan upang sumuko at hindi ipagpatuloy ang pagkilos para sa inaasam na magandang bukas. Kahit gaano pa man ka-imposible minsan ang daan patungo sa tagumpay, basta buo ang loob ay maaari itong makamit.

Ito ang pinatunayan ng isang matandang lalaki na viral ngayon sa social media. Nire-upload ng Facebook page na 2k20 ang orihinal na larawan ng Instagram user na si Thoryc.ID kung saan makikita ang isang masipag na tindero ng bola sa kabila ng kanyang k0ndisy0n.

Larawan mula sa Instagram account ni Thoryc.ID

Habang pasan ang mga bolang paninda, literal na lumalakad gamit ang kanyang dalawang kamay ang lalaking kinilalang si Mr. Setu. Wala kasing mga paa ang masipag na matanda at tanging kamay ang nagagamit sa pagtatrabaho. Naka-tsinelas ang mga kamay ni Setu bilang proteksyon sa mga ito.

Sa Indonesia raw talaga nakatira ang lalaki at nasa 50 anyos na ito nang makuhanan ng larawan. Ngunit sa halip na manghingi ng limos o tulong sa mga kakilala at sa ibang taong hindi naman kaano-ano, mas pinili raw nito na kumita ng sariling pera upang may maipantustos.

“Saludo ako sa mga tatay na kahit may kapansanan, nagtatrabaho pa rin,” ayon sa post ng page na 2k20 na agad namang dinagsa ng likes, comments, at shares. Marami ang humanga at naantig sa kalagayan ng matanda.

Ayon sa ilang netizens, ganitong tao raw ang dapat na nakararanas ng tulong sa pamahalaan ng kanilang bansa. Lalo na raw sa kalagayan ni Setu na nagkakaedad na rin at mayroong peligro na magtinda pa rin siya sa lansangan gayong hindi siya nakalalakad nang maayos.

Larawan mula sa Pexels

Hiling naman ng ilang social media users, kahit daw sa Pilipinas ay maraming katulad ni Setu na kahit hindi normal ang sitwasyon, ay mas pinipili pa rin ang magbanat ng but0 dahil mayroong mga sariling pamilyang sinusuportahan.

Panawag nila, sana raw ay suportahan natin ang mga ganitong klase ng manggagawa lalo na iyong mga nagtitinda. Malaking tulong daw sa kanila ito upang hindi na ganoong mahirapan pa sa pagtatrabaho.

Loading…