Lea Salonga, isa sa mga may pinakamagandang mukha ng People’s Magazine noong 1991

  • Napasama pala sa listahan ng 50 most beautiful faces in the world ng People’s Magazine si Broadway Diva Lea Salonga noong 1991
  • Sumang–ayon naman dito ang lahat dahil beautiful inside and out naman daw talaga si Coach Lea
  • Isa si Lea sa mga coaches ng The Voice of the Philippines, sa lahat ng edition nito

Bukod sa “Fire Prevention Month”, ang buwan ng Marso ay paggunita rin sa “International Women’s Month” kung saan nilalayong itampok ang mga naidulot na pagbabago, pagkilos, at impluwensiya ng kababaihan sa iba’t ibang larangan.

Isa sa mga babaeng naging “hiyas” ng ating pagka–Pilipino ang “Broadway Diva” at international star na si Lea Salonga.

Sa Facebook page na “Memories of Old Manila”, ginunita ng isang netizen sa kaniyang Facebook post na napabilang pala si Lea sa 50 most beautiful faces in the world ng People’s Magazine noong 1991.

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

“Just wanna share that in 1991, Lea Salonga was named as one of the 50 most beautiful faces in the world by the People’s Magazine”, ayon sa post ni Facebook user na si NC Winona.

Nagkomento naman dito ang mga netizens.

“Remember how the ‘popular’ young starlets laughed at her for being conservative during their time? Tingnan ninyo naman siya ngayon. Isa sa mga respetadong artist ng Pilipinas na kinikilala hindi lamang sa atin kundi maging sa ibang bansa,” papuri ng isa.

Saad naman ng isa, “She deserved it. She is very pretty. Beautiful inside and out. She looks different now as her character reflected thru her face!”

“Real beauty inside and out, and she has that something in between her ears — and that really matters!” sabi naman ng isa.

Si Lea Salonga ay nakilala at hinangaan sa ibang bansa dahil sa mga markadong pagganap niya sa mga musical play na “Miss Saigon”. “Les Miserables”, at marami pang iba. Siya rin ang nasa likod ng singing voice ng mga Disney Princesses na sina Jasmin ng pelikulang Aladdin at Fa Mulan ng pelikulang Mulan.

Public Domain Image

Sa kasalukuyan, napapanood si Lea Salonga bilang coach sa The Voice of the Philippines Teens Edition sa ABS–CBN.

Loading…