Libreng online consultation para mabawasan ang mga tao sa ospital, inilunsad ng mga doktor

Imahe mula sa Facebook | Philip Salvador
  • Nakaisip ng paraan ang ilang mga doktor upang makatulong na mabawasan ang bilang ng mga taong pumupunta sa 0spital
  • Nagbahagi sila ng larawan na nagsasabing doktor sila at libre silang sasagot sa mga katanungan tungkol sa COVID-19
  • Matatandaang may ilang mga 0spital na kulang na sa staff dahil hirap makapasok ang mga ito o ‘di kaya ay kinailangang isailalim sa quarantine matapos ma-expose sa COVID-19 patient

Nakaisip ng paraan ang ilang mga doktor upang makatulong sa pagkontrol ng bilang ng mga taong pumupunta sa 0spital sa gitna ng banta ng COVID-19 sa bansa.

Imahe mula sa Facebook | Philip Salvador

Sa pamamagitan ng isang Facebook post ay ipinalam ni Philip Salvador na isa siyang doktor at maaari siyang ma-contact sa pamamagitan ng Messenger. “I am a physician. I give free consultation related to COVID-19 matters. Send me your private message,” nakalagay sa larawan na kaniyang ibinahagi.

Aniya, ginagawa niya ito upang makatulong sa pag-decongest ng mga 0spital. Matatandaang may mga ulat na nagkukulang na sa tao ang ilang mga 0spital dahil may mga staff na kinakailangang sumailalim sa 14 na araw na quarantine matapos na magkaroon ng contact sa COVID-19.

Ganito rin ang ginawa ng isa pang doktor mula sa Department of Health na si Maxinne De Quiroz na ibinahagi rin ang larawan.

Imahe mula sa Facebook | Philip Salvador

Bumuhos naman ang pasasalamat ng mga netizen para sa mga doktor na ito.

“Thank you, Doc Philip G Salvador. Nakaka-touch ito, sobra. Knowing you, kahit hindi COVID-19, you are giving free consultations to people who are close or not so close to you. Hats off to you,” sabi ni Edwin M.

“Thank you for all the you do, Doc,” komento naman ng isa.

Isinailalim na sa enhanced community quarantine ang buong Luzon. Suspendido na ang klase sa mga paaralan, maging ang pampublikong transportasyon kaya naman tanging mga frontliner at mga manggagawa mula sa piling sektor lamang ang pinapayagang lumabas.

Loading…