“Little Booba” ipinasilip ni Ethel Booba

  • Ipinasilip ni Ethel Booba sa social media ang kanyang baby girl na si Michaela
  • Tinawag niyang “Little Booba” ang anak
  • Si “Little Booba” ay ipinanganak noong February 14, 2020

Buong pagmamalaking ipinasilip ni Ethel Booba ang kanyang “Little Booba,” ang unang anak niya sa non-showbiz boyfriend na si Jessie Salazar.

Imahe mula sa Definitely Filipino

Ipinost ng proud mother na si Ethel sa Twitter ang isang maikling video ng anak na si baby Michaela na ipinanganak niya noong nakaraang “Araw ng mga Puso”, ika-14 ng Pebrero.

“Hello daw sa inyo sabi ni Baby Michaela, my Little Booba. Charot!” tweet ni Ethel.

Cute na cute si “Little Booba” na nakasuot ng puting bonnet habang natutulog sa isang bulaklaking crib.

Ito ang unang pasilip ni Ethel sa magandang mukha ng supling. Noong ipinanganak niya si Michaela ay braso at paa lang ang ipinakita niya sa litrato.

Unang inihayag ni Ethel na magiging ina na siya noong Nobyembre ng nakarang taon nang tanghalin siyang winner sa singing competition na “Tawag ng Tanghalan: Celebrity Champions” sa ABS-CBN. Anim na buwan na noon ang kanyang dinadala.

Tuwang-tuwa naman kay Little Booba ang mga followers ni Ethel.

Imahe mula sa Twitter account ni Ethel Booba

“Kamukha ng daddy nya…hehehe pretty baby.”

“Ang pretty mana sa mommy.”

“Mama! Congrats!! Napatunayan mong may pag-asang mag buntis mga bekle. Hahaha charot lang.. Congrats ateng.””

“Ang cute! charotera din kaya ‘yan?”

Ayon pa sa isang tagahanga ni Ethel, kapag lumaki nang kaunti ay puwede na nang makipag-collaboration si Little Booba sa anak ni Ruffa Mae Quinto na si Alexandria Athena.

“’Pag lumaki na ng konti pwede na siguro sila mag-collab ng anak ni ruffa mae…hahaha… mga baby charot.”

Tulad ni Ethel, si Ruffa Mae Quinto ay isa ring comedienne na kilala sa tawag na “Booba.”

Imahe mula sa Instagram account ni Ruffa Mae Quinto

Loading…