Logo ng McDonald’s sa Brazil nag-practice ng social distancing

  • Logo ng McDonald’s sa Brazil binago bilang paalala sa lahat na magsanay ng social distancing
  • Ang dalawang arches o arko ng letrang “M” na logo ay hindi na magkadikit
  • May ilan pang brands ang gumawa ng pagbabago sa kanilang logo dahil sa nararanasang health crisis

Napakalaki ng epekto sa buhay ng mga tao ang nananalasang pandemic kaya naman kabi-kabila ang mga payo ng mga health experts na ugaliin at laging panatiliin ang kalinisan sa katawan at kapaligiran upang makontrol ang pagkalat ng SARS-CoV-2.

Imahe mula sa Johns Hopkins University

Isa sa mga ipinapayong paraan upang hindi magkahawahan ang mga tao ay ang pag-obserba ng social distancing o ang pagkakaroon ng distansya ng isang metro o higit pa sa bawat isa, lalo na sa mga taong umuubo at bumabahing.

Ang McDonald’s sa Brazil ay gumawa ng isang munting bagay upang hikayatin ang lahat na sanayin ang social distancing.

Binago ng Mcdonald’s ang profile photo sa Facebook page nito. Naiba nang kaunti ang logo. Ang dalawang arches o arko ng letrang “M” na logo ay hindi na magkadikit.

Ang cover video nito sa Facebook page ay binago rin. Ipinakita roon na naghiwalay ang dalawang arko ng logo at sa huli ay muli itong nagsama. May caption ito sa salitang Portuguese – “Seperados por um momento para estarmos sempre juntos” – na ang ibig sabihin sa English ay “Separated for a moment to be always together.”

Imahe mula sa McDonald’s Brazil

Bukod sa McDonald’s, may ilan ding brands ang gumawa ng maliit na pagbabago sa kanilang logo dahil sa nararanasang health crisis sa buong mundo.

Kabilang dito ang Starbucks na nilagyan ng face masks ang sirenang logo; ang interlocking red at yellow circle ng MasterCard logo ay pinaghiwalay; ang LinkedIn ay ginawang LockedIn dahil sa ipinatutupad na lockdown; ang limang interlocking rings ng Olympics logo ay pinaghiwa-hiwalay at ang logo ng Corona Extra, isang popular na brand ng serbesa,  ay ginawang “Need New Name Extra.”

Imahe mula sa Marketing Interactive

Loading…