Lolit Solis, nag-sorry dahil naniwala sa maling tsismis tungkol kay Ivana Alawi

  • Lolit Solis humingi ng paumanhin dahil naniwala siya sa tsismis tungkol kay Ivana Alawi
  • Kumalat ang balitang may relasyon si Ivana sa actor-politician na si Dan Fernandez
  • Batay sa tsismis, nakita raw na magkasama sa Bahrain si Dan at Ivana

Humingi ang beteranang at kontrobersyal na entertainment writer na si manay Lolit Solis dahil naniwala raw siya sa hindi totoong tsismis tungkol sa maganda at baguhang aktres  na si Ivana Alawi.

Imahe mula sa Instagram account ni Lolit Solis

Posible raw na isang taong naiinggit sa magandang kapalaran ni Ivana ang nagpakalat ng hindi totoong balita.

“Naku, mea culpa, dahil pati ako naniwala sa isang tsismis na palagay ko ay ikinakalat ng isang naiinggit o nagseselos sa kung anuman nagaganap na magandang kapalaran kay Ivana Alawi,” bahagi ng mahabang Instagram post ni Lolit Solis.

Ang tsismis na tinutukoy ni Lolit Solis ay ang kumakalat na balitang may relasyon daw si Ivana sa actor-politician na si Dan Fernandez.

Nakita raw na magkasama si Ivana at Dan sa Bahrain. Isang litrato pa ng isang lalaki na kamukha ni Dan at babaeng nakatalikod na sinasabing si Ivana raw, ang kumalat sa social media. Ang 21-anyos na aktres ay kasalukuyang nasa Bahrain. Sa katunayan ay nagbigay pa siya sa kanyang social media account ng isang tour sa bahay na kinalakhan niya sa Bahrain.

Noong una ay pinaniwalaan nga ni Lolit Solis ang tsismis.

Imahe mula sa Twitter ni @AldenMaine026

“Isa ako sa mga nagtataka Salve kay Ivana Alawi. Balitang ang laki ng namana sa turkish o moroccan father niya, ang ganda at ang bata sa edad na 21, pantasya ng bayan, at dahil bagong talent ng ABS Star Magic, mukhang maganda ang future sa showbiz. Ano ang ipinagtataka ko? Iyon mga hush hush na matagal na diumano siyang karelasyon ng isang actor politician na may asawa ding artista,” post ni Lolit sa Instagram.

At nang napagtanto nga niya na walang katotohanan ang nabalitaan ay humingi siya ng paumanhin.

Imahe mula sa Instagram account ni Lolit Solis

Loading…