Maawa tayo: Netizen ibinunyag na sa kabila ng ECQ, cancellation ng orders sa Grab food, tuloy pa rin

  • Trending sa Facebook ang kuwento ng isang netizen tungkol sa pinagdaraanan ng mga Grab Food riders
  • Marami pa rin daw kasing nagka-cancel ng order kahit sa mga ganitong panahon ng sakuna
  • Panawagan niya, sana ay mahabag tayo sa mga Grab Food riders na maituturing ding frontliners

Sa panahong hindi pinahihintulutang lumabas ang nakararami dahil sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ), malaki ang naidudulot ng mga food delivery services para patuloy nating makain ang mga gusto nating pagkain habang nasa loob ng ating tahanan.

Frontliners na maituturing ang mga manggagawang ito na inilalagay ang kanilang sarili sa isang mapanganib na sitwasyon upang mapaglingkuran ang kanilang kapuwa. Mas pinili nilang magtrabaho upang patuloy na maibigay ang pangangailangan ng madla.

Larawan mula sa Facebook post ni Edrene Tuason

Ngunit sa kabila ng kabayanihan ng mga food delivery riders, isang netizen ang nabunyag na kahit sa panahon ng ECQ ay patuloy pa rin ang pagkansela ng food orders ng ilang customers. Dahil dito, imbes na makatulong sa mga riders, ay nagiging suliranin pa nila ang mga orders na hindi itinuloy ng mamimili.

Ayon sa trending Facebook post ni Edrene Tuason, nakasabay niya raw malapit sa isang kilalang mall sa Muntinlupa City ang isang Grab Food rider. Tinanong niya raw ang rider dahil nagulat siya na tuloy pa rin pala ang serbisyo nila sa kabila ng ECQ.

Sumagot naman daw ang rider at sinabi nit okay Edrene na kahit sa panahong limitado ang mga nagseserbisyo sa food delivery sector, may mga customer pa rin umano na walang patawad at patuloy na nagkakansela ng kanilang orders. Ang nakausap ni Edrene na rider ay nakaranas na raw ng walong kaselasyon ng orders.

Sinabi rin ng rider na dahil nakansela ang order, wala na ring bayad siyang matatanggap sa mga pagkaing ide-deliver sana sa customer. Dahil dito, nanawagan si Edrene sa mga kapuwa netizen na mahabag sa mga rider at huwag nang mag-cancel order bilang tulong na rin sa mga rider.

Larawan mula sa Grab

Pahayag pa ni Edrene, sa mga ganitong panahon daw ay dapat nating isipin na hindi biro ang trabaho ng mga rider. Wala raw natatanggap na double pay ang mga ito. Wala ring hazard pay kahit mas exposed sa mga karamdaman, kaya naman bilang konsiderasyon ay iwasan na ang pag-cancel ng orders.

Maraming netizens naman ang sumang-ayon kay Edrene at nagpaabot ng kanilang paghanga sa mga riders. Umabot na rin sa higit 20,000 reactions, 262 comments, at 8,600 shares ang post na ito ni Edrene.

Loading…