Maayos na pila sa MRT, ikinatuwa ng netizens

Imahe mula sa Facebook | Roy Joseph Roberto
  • Marami ang natuwa sa maayos na pila ng mga mananakay sa MRT
  • Ipinatutupad kasi ang social distancing upang maiwasan ang patuloy na pagkalat ng COVID-19 sa bansa
  • Hiling ng mga Pilipino, sana kahit wala nang COVID-19 ay manatali ang disiplinang ito

Kaya naman pala natin.

Ganito ang naging reaksyon ng netizens sa pinag-uusapang larawan ng maayos na pila sa MRT. Ibinahagi ito ni Roy Joseph Roberto sa isang Facebook post. “LOOK: MRT commuters lining up neatly about an arm away from each other,” aniya.

Imahe mula sa Facebook | Roy Joseph Roberto

Nakasanayan na ng mga mananakay sa MRT ang magulo at mala-sardinas na sitwasyon na pila ngunit kasabay ng community quarantine  at pagsuspinde ng pasok sa lahat ng antas ng pampapubliko at pribadong paaralan sa Metro Manila ay ipinatutupad din ngayon ang social distancing o ang pagdistansya sa ibang tao upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Marami tuloy ang humanga sa maayos na pila ng mga commuter sa MRT. Nakalulungkot man daw na kinailangan pang magkaroon ng COVID-19 upang ilabas ang pagiging disiplinado ng ilan ay nakatutuwa pa ring makita na posible pala ang ganito.

“Puwede talaga kapag may disiplina. Dahilan lang naman kung bakit siksikan ay ang kagustuhang mauna. Lahat nagmamadali. Kaya tuloy laging puno ang train,” sabi ni Solo M.

Imahe mula sa Facebook | Roy Joseph Roberto

Hiling naman ni Jolina B., sana raw kahit wala nang COVID-19 ay manatili ang ganitong disiplina ng mga Pilipino. “This is so refreshing to see. Hope to see people following rules every day and not just in seasons like this,” ani Lowela M.

“Disiplina lang naman talaga. Nakalulungkot lang kasi kapag may sakuna o delubyo lang lumalabas ‘yung disiplina natin. Pero kayang kaya naman pala. Thank you sir sa pagpost nito. Good vibes,” sabi ni Jan Chua.

Nagpasalamat naman ang ilang netizens sa pagsunod ng mga Pilipino sa social distancing para na rin sa kapakanan ng lahat.

“Kudos po sa lahat ng nag-follow ng instructions for everyone’s sake, for showing malasakit in this difficult time,” sabi naman ni J. E.

Source :

Facebook

Loading…