Mag–aaral: Pumasok nang may dyowa, ga–graduate nang wala

  • Ikinaaliw ng mga netizens ang graduation photo ng isang mag–aaral, lalo na ang caption nito
  • Nakalagay kasi sa caption nito sa larawan na nasusulat sa dalawang magkahiwalay na board ang mga pahayag na “Pumasok nang may jowa, ga–graduate nang wala”
  • Nagbigay naman dito ng komento ang mga netizens na nagpahayag na mas mabuti na raw ang maka–graduate muna kaysa magkaroon ng kasintahan

Kung ikaw ay isang mag–aaral, ano ang pipiliin mo: may dyowa subalit hindi ka ga–graduate, o wala kang dyowa subalit ga–graduate ka naman?

Kinatuwaan ng mga netizens ang Facebook post ng isang graduating student na nagngangalang “Ludwigie” na nagpapakita ng kaniyang graduation photo. Tulad ng mga nauuso ngayon, may hawak siyang caption sa larawan na nasusulat sa dalawang magkahiwalay na board.

Imahe mula sa Facebook account ni Ludwigie Villaran

Nakasaad sa kaniyang caption na “Pumasok nang may jowa, ga–graduate nang wala” na nangangahulugang single siya at maaaring inuna muna ang pag–aaral bago ang pakikipagrelasyon.

Agad naman itong kinatuwaan at kinakiligan ng mga netizens, lalo pa’t marami sa kanila ang nakaugnay sa “hugot” ng naturang mag–aaral.

Sabi ng isa, “Mas okay na ang magtapos ng pag–aaral, kaysa naman sa may dyowa ka nga, nganga ka naman at walang diploma. Darating din naman ang tamang tao para sa iyo. Makakapaghintay iyan. Ang diploma, kailangan iyan para makapagpatuloy sa araw–araw.”

“Mas magandang makapagtapos muna ng pag–aaral para mas maraming dyowa ang dumating… okay lang iyan, kuya!” biro naman ng isa.

Turan naman ng isa, “Actually, nag-enrol nang mag–jowa tapos pumasok nang hindi, tapos naging okay tapos ngayon wala na ulit. Okay lang. Hahahaha.”

“Tama yan, kuya. Study first before study love. Mas masarap sa pakiramdam na maipagmamalaki sa future girlfriend mo na may narating ka na sa buhay. Mas masarap ipakita ang diploma. Magiging susi mo ito upang maging matagumpay, at tiyak, lahat ng mga oportunidad ay darating sa iyo”, payo naman ng isa.

Public Domain Image

Ikaw, ano ang pipiliin mo, dyowa o graduation?

Loading…