‘Mag-aasawa pa kami:’ Frontline may nakaaaliw na pakiusap sa mga tao

Imahe mula sa Facebook | Elinor Cabanero
  • Nagdulot ng ngiti sa mga netizens ang paalala ng isang frontliner sa gitna ng COVID-19
  • Aniya, sana ay manatili sa loob ng kanilang bahay ang mga tao dahil gusto pa nilang makapag-asawa
  • Sabi ng mga netizens, kahit daw nagpapatawa ang frontliner ay alam nila kung gaano kaseryoso ang kinahaharap nito kaya susundin nila ang paalala nito

Madalas na pakiusap ng mga frontliner na manatili ang mga tao sa kanilang bahay nang sa gayon ay tuluyan nang mapuksa ang COVID-19 at makauwi na rin sila sa kanilang tahanan.

Imahe mula sa Unsplash

Ngunit ang health worker na si Elinor Cabanero, nagawa pang pangitiin ang mga netizen habang ipinaalala sa kanila na manatili sa loob ng bahay.

Sa kaniyang Facebook post ay nagbahagi siya ng larawan niya habang may hawak na note na nagsasabing “Pakiusap, manatili sa loob ng bahay. Mag-aasawa pa po kaming mga frontliner. Salamat.”

Nirepost ng GMA News ang larawan ni Elinor at sa kasalukuyan ay may mahigit 32k reactions at halos 7k shares na ito.

Komento ni T. Marin, sa gitna ng pakikipaglaban para sa kalusugan ay dapat ding bantayan ang mental health kaya naman ang humor na kagaya ng kay Elinor ay kailangan din sa ngayon.

Imahe mula sa Facebook | GMA News

“Yes dear, staying at home para makapag asawa pa kayo. Glad that your humor is intact during this trying time. Stay safe and thank you for your service, frontliners,” sabi naman ni S. Ocampo.

Si Vher C. naman, kagaya ng maraming iba pa, ay ipinapanalangin si Elinor at ang mga frontliners kagaya niya. “Pampa-good vibes pero alam namin ang hirap ng inyong work. We pray for your safety. Labanan natin ang COVID-19. Walang bibitaw,” aniya.

Nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang buong Luzon habang may mga probinsya na rin na nagdeklara ng lockdown bilang hakbang upang hindi na tumaas pa ang bilang ng kas0 ng COVID-19 sa bansa.

Loading…