Mahigpit na sanitation protocols, ipinatutupad sa isang bahay

Imahe mula sa Facebook | Katrina Lei Gillesania
  • Hinangaan ng netizens ang mga hakbang na sinusunod sa isang bahay upang maprotektahan sila mula sa COVID-19
  • May mga sanitation protocol silang ipinatutupad upang matiyak na hindi madala ang coronavirus sa kanilang tahanan
  • Ayon sa uploader, ginawa ito ng kapatid niyang manager dahil sa healthcare industry sila nagtatrabaho

Upang makaiwas sa COVID-19, ipinapayo ng Department of Health na siguraduhing maghugas ng kamay at huwag hawakan ang mukha. Makatutulong din ang kalinisan ng paligid upang maprotektahan ang sarili at ang pamilya.

Imahe mula sa Facebook | Katrina Lei Gillesania

Ang isang netizen, ibinahagi ang mahigpit na sanitation guidelines na ipinapatupad sa kanilang tahanan.

Kuwento ni Katrina Lei Gillesania sa kaniyang Facebook post, nagulat sila nang datnan sa bahay ang mga paalalang isinulat ng kapatid na naiwan sa bahay.

“Eh yung pag-uwi mo ng bahay ay ganito ang dadatnan mo dahil naiwan sa bahay ang kapatid mong Manager at inimplement niya ang creative niyang idea dahil wala siyang pasok at dahil health care kami nagwo-work,” aniya sa post na ngayon ay may halos 2k reactions at 3.2k shares na.

Sa labas pa lamang ng kanilang pinto ay may babala na tungkol sa ipinatutupad nilang sanitation protocols.

“This home implements strict sanitation protocols. All violators will be apprehended,” nakalagay rito.

Imahe mula sa Facebook | Katrina Lei Gillesania

May mga nakalaan na ring mga lugar kung saan maaaring maghugas ng paa at mag-iwan ng damit na marumi. Pagpasok sa loob ay may nakahanda na rin tsinelas panloob.

May panuto rin na bago umakyat sa itaas ay mag-sanitize muna. Maging ang kanilang cellphone ay dapat din linisin.

Bukod sa pagsiguro ng kalinisan ay may nakahanda na ring turmeric tea at kape at mga prutas para sa mga miyembro ng pamilya. “Hot turmeric tea and coffee are readily available anytime. Remember to keep hydrated all the time. Fruits high in Vitamin C will be served 3x a day,” sabi pa sa ilang note.

“Doable naman pala,” pagtatapos ni Katrina sa kaniyang post.

Anong mga hakbang ang ginagawa ninyo sa inyong bahay upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus?

Source :

Facebook

Loading…