Maine Mendoza na-shock na ang karakter sa “Kingdom” at “Miracle in Cell no. 7” ay ginampanan ng iisang aktor

  • Isang fun fact ang ibinahagi ni Maine Mendioza tungkol sa “Kingdom” at “Miracle in Cell no. 7”
  • Ang kontrabida sa “Kingdom” at ang bida sa “Miracle in Cell no. 7” ay ginampanan ng iisang aktor
  • Ang South Korean actor na si Ryu Seung-ryong ang actor na tinutukoy ni Maine Mendoza

Isang rebelasyon ang isiniwalat ng phenomenal star na si Maine Mendoza tungkol sa popular na South Korean supernatural thriller series  na “Kingdom” na ipinalalabas ngayon sa Netflix at sa 2013 South Korean comedy-drama na “Miracle in Cell no. 7.”

Imahe mula sa Wikipedia

Isang fun fact ang ibinahagi ni Maine Mendoza sa Twitter na siguradong ikagugulat ng maraming Pinoy na mahihilig manood ng Korean drama.

Aniya, ngayon lang niya nalaman na ang gumanap sa isang karakter sa “Kingdom” at ang main character sa “Miracle in cell no. 7” ay iisang aktor lang – si Ryu Seung-ryong.

“I was today years old when I found out that Cho Hak-Ju (Kingdom) and Yong-Gu (Miracle in Cell no. 7) are both played by the same actor, Ryu Seung-ryong. #funfact #WHAT,” tweet ng Eat Bulaga dabarkad.

Sino nga naman ang mag-aakala na ang aktor na gumanap na kontrabidang si Cho Hak-ju na nag- mastermind para hindi makaupo bilang bagong hari ang Crown Prince sa Netlflix series na “Kingdom” ay siya ring aktor na gumanap bilang mentally-challenged pero loveable na si Lee Yong-gu sa “Miracle in Cell no. 7?”

Pinagtabi pa ni Maine ang larawan ng dalawang karakter sa tweet niya.

Imahe mula sa Twitter account ni Maine Mendoza

Si Maine ay isa sa mga local celebrities na nagbibigay ng tulong sa mga kababayang lubos na naapektuhan ng Luzon-wide lockdown, partikular na ang mga daily wage earners na nawalanng pagkakakitaan.

Inilunsad niya ang DoNation Drive upang makatulong sa munti niyang pamamaraan.

“I will be sending P1,000 per household (for food groceries and other essentials) This is to help as many employees as possible,” aniya.

Loading…