Makukulay na hot air balloons lumipad sa kalangitan ng Cavite

  • Flying Carnival 2020 isinagawa sa unang pagkakataon sa Cavite
  • Pinalipad ang mga makukulay at iba’t ibang hugis na hot air balloons
  • Mga skilled pilots mula sa iba’t ibang bansa ang nagpalipad ng mga hot air balloons

Napalamutian ng mga hot air balloons na may matitingkad na kulay ang kalangitan sa Carmona, Cavite noong Biyernes, ika-6 ng Marso, para sa pagsisimula ng Flying Carnival 2020 na kilala noon sa tawag na International Hot Air Balloon Fiesta.

Imahe mula sa Philippine International Hot Air Balloon Fiesta

Ilang naggagandahang hot air balloons kasabay ng mga paragliders ang nakibahagi sa unang paglipad ng Flying Carnival ngayong taon. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ginanap ang balloon fiesta sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) region.

“We hope that with the success of this event, we can encourage the development of tourism establishments in Carmona, particularly hotels, which can cater to attendees of the future editions of the Flying Carnival, and other sports and leisure attractions in the area,” pahayag ni Department of Tourism CALABARZON officer-in-charge Marites Castro.

Maganda umano ang tiyempo ng paglipat ng hot air balloon fiesta sa Cavite, na noon ay sa Clark, Pampanga ginaganap, dahil kailangang mapalakas ang turismo sa rehiyon na naapektuhan ng pagputok ng Taal Volcano.

Tumagal ng hanggang araw ng Linggo, ik-8 ng Marso, ang Flying Carnival kung saan itinampok ang makukulay at may iba’t ibang hugis  na balloons na pinalipad ng mga skilled pilots mula sa Belgium, Germany, Netherlands, Sweden, Japan at sa United Kingdom (UK).

Imahe mula sa Philippine International Hot Air Balloon Fiesta

Itinampok din ang mga paramotor pilots mula sa Pilipinas, Japan, Korea at France at nagsagawa rin ng air show ang mga beteranong skydivers mula sa UK.

Na-experience ng mga bisita ang iba’t ibang aerial activities. Sa halagang P25,000 per person ay puwede nang sumakay sa hot air balloon. P20,000 per person naman sa Tandem Skydiving, P10,000 sa Helicopter Discovery Flight at P4,500 per person sa Tandem Paragliding.

Bukod sa aerial activities, marami ang nagpalipad ng saranggola, bumili ng mga souvenir items at nag-food trip sa maraming food stall sa site.

Imahe mula sa Philippine International Hot Air Balloon Fiesta

Ibinahagi ni Diego Tañafranca via YouTube ang ilang mga kaganapan dito:

Source :

PNA, YouTube

Loading…