Mallgoers na mas mataas sa 37.6 degrees Celcius ang temperature ‘di papapasukin sa SM malls

  • SM Supermalls nagpatupad ng mga hakbang para makontrol ang pagkalat ng COVID-19
  • Hindi papapasukin sa mall ang shoppers na ang temperature ay mas mataas sa 37.6oC
  • Regular na magsasagawa ng disinfection sa bahagi ng mall na dinaragsa ng mga tao at sa mga restrooms

Nagpatupad ng ilang hakbang ang SM Supermalls upang makontrol ang pagkalat ng COVID-19 simula noong Martes, ika-10 ng Marso.

Imahe mula sa Sm Supermalls

Bago pumasok sa mall, kukunan ng body temperature ng mga security guards na nakatalaga sa lahat ng mga mall entrances ang mga mallgoers gamit ang thermal scan.

Hindi na papapasukin sa loob ng mall ang mga mallgoers kapag mas mataas sa 37.6 degrees Celsius ang tenmperatura nila na rumehistro sa thermal scan. Sa magalang na paraan ay papayuhan na lang ang mga ito na magpatingin sa doktor.

“Those with temperatures above 37.6 degrees celsius are not allowed within the premises and advised to seek medical help,” ayon sa public safety advisory na inilabas ng SM Supermalls.

Maglalagay din ng mga sanitary alcohol dispensers na magagamit ng mga mallgoers sa bawat mall entrance.

Regular din na magsasagawa ng disinfection sa mga common areas kung saan may “heavy customer contact” bago magbukas, habang nakabukas at pagsara ng mall. Ang mga restrooms o  toilets ay isa-sanitize kada tatlumpung minuto.

Screenshot mula sa video ng SM Supermalls

Required na rin na magsuot ng face masks ang mga security guards at mall personnel.

Ang hakbang ng SM Supermalls ay kasunod ng mabilis na pagdami ng confirmed COVID-19 cases sa bansa. Sa kasalukuyan ay umabot na sa 49 ang kumpirmadong kaso nito, ayon sa huling pahayag mula kay Department of Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergiere.

Imahe mula sa SM CDO Downtown
Source :

MSN, Bilyonaryo

Loading…