Mga manggagawa na nakatira sa labas ng NCR, papayagang bumiyahe sa gitna ng community quarantine

Imahe mula sa Official Gazette
  • Papayagan ang mga manggagawa sa Metro Manila na nakatira sa mga karatig lungsod at probinsya na makapasok at makalabas sa mga checkpoint
  • Kailangan lamang nilang magpakita ng identification card na magpapatunay na nagtatrabaho sila sa NCR, ayon kay DILG Sec. Eduardo Ano
  • Ito ay matapos na isailalim sa community quarantine ang Metro Manila, kung saan bawal muna ang land, domestic air, at domestic sea travels papasok at palabas ng NCR

Nilinaw ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano na papayagang makabiyahe papasok at palabas ng Metro Manila ang mga manggagawa na nakatira sa labas ng National Capital Region (NCR).

Imahe mula sa PCOO

Ito ay matapos na ianunsyo ni Pang. Rodrigo Duterte sa isang press conference na isasailalim sa community quarantine ang Metro Manila mula March 15 hanggang April 14, 2020. Ibig sabihin, ipagbabawal muna ang land, domestic air, at domestic sea travel mula at patungo sa Metro Manila. Hakbang ito upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Ngunit nilinaw ni Ano na maaaring magpakita ng identification card ang mga manggagawa sa Metro Manila na residente ng ibang mga lugar upang payagan silang makalabas at makapasok sa mga checkpoint na ilalagay sa mga boundary.

Hindi rin daw ititigil ang operasyon ng LRT at MRT ngunit kailangang sundin ang social distancing guidelines.

Imahe mula sa Wikimedia Commons

Sinuspinde na rin ni Pang. Duterte ang klase sa lahat ng antas ng paaralan sa Metro Manila hanggang sa April 12.

“The suspension of classes in all levels in Metro Manila is hereby extended until April 12, 2020, provided that all students shall continue to fulfill their educational requirements during said period,” sabi ni Duterte na sinabihan ang mga estudyante na manatili sa bahay upang mag-aral.

“Pag makita sa labas, palaboy laboy ka lang dyan, wala kang ginagawa, sigaw sigaw kayo. Lalapitan kayo ng pulis. Tatanungin kayo, then you have a problem. ‘Pag sinabi mo na wala, andito lang kami sa labas and then, maybe if you are arrogant, dadalhin ka sa istasyon for record purposes,” aniya.

Huwag sanang maging pasaway.

Loading…