Manny Pacquiao hinangaan ng netizens sa pagiging kalmado sa ‘boyfriend prank’ ng anak na si Mary

  • Patok sa mga netizens ang ginawang prank ni Mary Pacquaio sa kanyang amang si Manny
  • Sinabi kasi nito, kasabwat ang inang si Jinkee, na mayroon na siyang boyfriend
  • Kalmado namang hinarap ni Manny ang anak na hinangaan ng maraming nakapanood

Kung matagumpay si Manny Pacquiao sa mga tinatahak niyang larangan tulad ng isports, showbiz, at politika, tila namana ng mga anak niya ang kanyang pagiging successful dahil ang ilan sa mga ito ay sikat na ring vlogger, kabilang ang anak na babaeng si Mary Pacquiao na kung tawagin nila ay Princess.

At sa isang latest video ni Mary, ang naging subject ng kanyang vlog ay ang pag-prank sa amang si Manny. Kunwari ay nalaman ng inang si Jinkee na mayroon nang karelasyon ang anak nilang si Mary na ngayon lang din mababalitaan ni Manny.

Larawan mula sa YouTube video ni Mary Pacquiao

Nag-set up si Mary ng mga camera sa kanilang kuwarto. Kasabwat ni Mary ang kanyang ina at kapatid na si Queenie. Nang sabihin ni Jinkee na tinext daw siya ng kaklase ni Mary tungkol sa boyfriend nito, kalmado lang na tinatanong ni Manny ang anak tungkol sa detalye.

Inusig nito ang anak kung sino at kailan pa nagkaroon ng nobyo ni Mary na noon ay tila tak0t sa ginagawang pagkikipag-usap ng ama. Nang tanungin na ni Pacman ang pangalan ng lalaki, sinabi ni Mary na ang pangalan ng boyfriend niya ay “PRANK.”

Agad na niyakap ni Mary ang kanyang ama na kagagaling lang din noon sa trabaho. Natawa na lang si Manny at sinabing muntik na raw siyang magalit sa anak. Sinabi naman ni Jinkee na noong isang gabi pa raw nila sana gagawin ang prank ngunit late nang nakauwi ang ama kaya ipinagpabukas na lamang nila ito.

Agad na nag-trending sa YouTube ang prank na ito ni Mary sa pambansang kamao. Habang isinusulat ang balitang ito, mayroon nang higit 1.5 million views ang video. Humanga naman ang maraming netizens sa ipinakitang pagiging kalmado ni Manny.

Larawan mula sa YouTube video ni Mary Pacquiao

Ayon sa kanila, kahit daw kilalang matapang na manlalaro si Manny, kitang-kita nila ang pagiging mahinahon nito pagdating sa pamilya. Maayos niya kasing kinakausap si Mary sa buong prank at hindi man lang nagbago ang tono nito.

Marami din ang nagsasabing squad goals ang pamilya Pacquiao dahil kahit anong busy ni Manny sa kanyang mga gawain ay nakukuha pa rin nitong maglaan ng oras sa kanyang mga anak at pag-usapan ang mahahalagang bagay.

Panoorin ang prank ni Mary sa kanyang ama:

Source :

YouTube, GMA News

Loading…