Manny Pacquiao, Jack Ma nagtulungan upang makapagbigay ng 50k test kits sa bansa

Imahe mula sa Instagram at Facebook | Manny Pacquiao at Jack Ma
  • Magbibigay ng 50k testing kits para sa COVID-19 sina Sen. Manny Pacquiao at Alibaba co-founder Jack Ma
  • Si Jack Ma ay mamimigay rin ng test kits at masks sa ibang mga bansa
  • Samantala, si Pacquiao naman ay nagbigay na rin ng 700k face masks upang maproteksyunan ang mga frontliners sa pandemic na ito

Nagtulungan ang foundation nina Sen. Manny Pacquiao at multinational technology company Alibaba co-founder Jack Ma upang makabili ng 50k testing kits para sa bansa nang sa gayon ay maiwasan ang tuluyang pagkalat ng COVID-19.

Imahe mula sa Twitter | Manny Pacquiao

“The Jack Ma Foundation, in partnership with the Manny Pacquiao Foundation, will be providing 50,000 test kits to combat COVID-19 in the Philippines,” sabi ni Sen. Pacquiao sa kaniyang Twitter account.

Magdo-donate din si Jack Ma ng test kits sa iba pang mga bansang apektado ng COVID-19. Ayon sa CNN, magbibigay siya ng 1.1 million testing kits, 6 million masks, at 60,000 personal protective equipment sa lahat ng bansa sa Africa.

“The world cannot afford the unthinkable consequences of a COVID-19 pandemic in Africa,” sabi niya sa isang tweet.

Imahe mula sa Instagram | Jack Ma

Kabilang din ang United States sa mga bansang aabutan niya ng tulong.

Aniya, magpapadala siya ng 500k testing kits at 1 million face masks sa USA.

“Now it is as if we were all living in the same forest on fire. As members of the global community, it will be irresponsible of us to sit on the fence, panic, ignore facts, or fail to act. We need to take action now,” aniya pa, ayon sa CNN.

Samantala, si Sen. Pacquiao naman ay nagbahagi ng 700k face masks para sa mga front liners sa bansa mula sa Department of Health, Philippine National P0lice, Armed Forces of the Philippines, RITM, at MMDA upang matugunan ang kakulangan ng supply nito.

Salamat, Sen. Pacquiao at Jack Ma!

Source :

Twitter, GMA News, CNN

Loading…