Manpower agency may alok na free-training at trabaho sa mga 4Ps beneficiaries

  • Isang manpower agency ang may alok na magandang oportunidad sa mga miyembro ng 4Ps
  • Nakipagtulungan ito sa DOLE at DSWD para sa free training sa mga 4Ps beneficiaries upang mabigyan ng mas malaking tsansang makapagtrabaho sa loob at labas ng bansa
  • Pipili ang DSWD ng mga kwalipikadong miyembro ng programa para sumailalim sa free skills training upang ihanda sila sa papasuking trabaho

Kabilang sa pinakamahihirap na sektor ng ating lipunan ang mga benificiaries ng 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program), ang programa ng pamahalaan na nagbibigay ng conditional cash grant sa mga mararalita para mapaigi ang kanilang kalusugan, nutrisyon at edukasyon.

Imahemula sa Metro News Central

Karamihan sa mga estudyanteng benepisyaryo ng programa na nakapagtapos ng senior high school ay walang kakayahang magpatuloy sa kolehiyo kung kaya’t napipilitan na silang maghanap ng trabaho upang makatulong sa kabuhayan ng pamilya.

Isang manpower agency, sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Social Service and Development (DSWD), ang nag-aalok ng free training sa mga kwalipikadong estudyante na beneficiaries ng 4Ps upang mabigyan ng mas malaking tsansang makapagtrabaho sa loob at labas ng bansa.

Ang Starboard Manpower Service, Inc, DOLE at DSWD ay lumagda ng isang Memorandum of Understanding (MOU) na naglalayong matulungan ang mga 4 Ps beneficiaries na makapagtrabaho.

Sa ilalim ng MOU, ang DSWD ang pipili ng mga kwalipikadong miyembro ng programa para sumailalim sa free skills training upang ihanda sila sa papasuking trabaho.

Imahe mula sa PNA

Kapag sapat na ang kaalaman sa mga trabahong nais pasukin, ang Starboard naman ang tutulong sa mga beneficiaries para i-endorso sila sa mga partner companies na magbibigay sa kanila ng trabaho.

Ang DOLE ay magbibigay ng technical assistance sa DSWD at Starboard.

Pinayuhan ni Starboard Foundation Inc. president na si Mr. Manuel Gorobat Jr. ang mga mapipiling benepisyaryo na pakaingatan ang goportunidad na ipagkakaloob sa kanila dahil hindi lahat ay nabibigyan ng ganoong pagkakataon.

Imahe mula sa PNA
Source :

ABS-CBN, Remate

Loading…