Manunulat: “Ok lang yung ‘love yourself more’, huwag lang maging makasarili”

  • Ipinahayag ng manunulat/scripwriter na si Jerry Gracio na ayos lamang ang pahayag na “Love yourself more”
  • Huwag lamang daw maging mantra ito upang maging makasarili
  • Umani naman ito ng komento mula sa mga netizens na nagbigay ng kanilang sariling “hugot”

Ayon sa kasabihan, hindi mo maibibigay ang mga bagay na wala ka. Ibig sabihin, bago ka magmahal, titiyakin mo munang mahal mo ang iyong sarili upang maiparanas at maipadama mo rin ang pagmamahal sa iyong kapwa, at makatanggap ka rin nito sa huli. Vice versa, ‘ika nga.

Kaya naman, nagpaalala ang manunulat at scriptwriter na si Jerry Gracio hinggil sa pagmamahal sa sarili.

Ayon sa kaniyang Twitter post, ayos lamang daw mahalin ang sarili, subalit hindi dapat maging dahilan ito upang maging makasarili. Ang tunay na nagmamahal daw ay nagmamahal nang higit sa kaniyang sarili.

Imahe mula sa Twitter account ni Jerry Gracio

“Oks naman ‘yung love yourself more. Pero hindi ito dapat gamiting mantra para maging makasarili. Ang nagmamahal ay nagmamahal lagpas sa sarili,” ayon sa kaniyang post.

Nagustuhan naman ito ng mga netizens kaya nagbigay sila ng kanilang mga “hugot” hinggil dito.

Ayon sa isa, “I agree! Take note din, don’t expect also to receive the same what you have given. Just give and give, love others and yourself the same.”

“Yes… this is so true! Masarap talagang mahalin muna ang sarili bago ang iba. Kapag hindi mo mahal ang sarili mo, hindi rin makikita ng iba ang worth mo para mahalin. You have to invest in yourself first bago mo ituon ang sarili mo sa iba”, sabi naman ng isa.

Turan naman ng isa, “Mahirap kasi yung feeling na parang ubos na ubos ka na… kaya para hindi ka maubos o masaid, dapat lalamnan mo muna ng pagmamahal ang sarili mo. Kapag umapaw na, saka ibigay sa iba. Basta’t huwag mababawasan ang love tank.”

Imahe mula sa Pexels

“Kung sa usaping panlipunan naman ang pag–uusapan, dapat tayong magkaroon ng sympathy at empathy sa mga taong nangangailangan, huwag puro sarili lang ang iisipin,” pahayag naman ng isa.

Si Jerry Gracio ang nasa likod ng kuwento ng teleseryeng “A Soldier’s Heart” na pinagbibidahan ni Gerald Anderson at iba pa sa ABS–CBN Kapamilya Network, na nasa time slot ng Primetime Bida.

Source :

Twitter

Loading…