Mapamaraan: Larawan ng lalaking may diskarte para maipatupad ang social distancing, trending

  • Trending sa social media ang larawan ng isang lalaki na may kakaibang paraan ng social distancing
  • Naglagay na kasi siya ng harang na nakakabit sa kanyang baywang para iwas contact sa ibang tao
  • Marami naman ang nakakuha ng ideya sa larawan kung paano makaiiwas sa pagdikit sa lugar na maraming tao

Inirekomenda ng Department of Health (DOH) na gawin ng mga Pilipino ang social distancing o pagpapanatili ng distansya sa ibang tao upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa. Dumarami na kasi ang kasong naitatala kaya naman lahat ng paraan ng pag-iingat ay nais nang ipatupad ng ating pamahalaan.

Gayunman, maraming mga Pilipino ang nagkakaroon ng agam-agam sa konsepto ng social distancing. Marami kasi sa atin ay walang choice at madalas nakasasalamuha ng maraming tao, lalo na ang mga nagko-commute at nagtatrabaho.

Larawan na nire-upload ni Erken Payla

Pero ang suliraning ito ay tila nabigyan ng solusyon sa pamamagitan ng isang larawan. Nire-upload ng netizen na si Erken Payla sa kanyang Facebook account ang larawan ng isang lalaki na gumawa ng kanyang matalinong solusyon upang maipatupad lagi ang social distancing.

Makikita ang larawan ng isang lalaki na kuha sa labas ng Pilipinas na mayroong suot sa baywang na isang malaking bilog na bakal. Nakapalibot sa kanya ang bakal kaya naman hindi siya magkakaroon ng pagkakataong makadikit kahit kanino man.

Tinatayang nasa isang metro daw ang lawak ng nasabing proteksyon sa baywang kaya naman walang close contact na maaaring mangyari sa lalaki sa iba pang nakasasalamuha niya na maaaring apektado na ng COVID-19 kaya naman iwas hawa na siya.

Dahil sa magandang ideyang ito, agad na nag-viral ang post na ito ni Erken. Nasa higit 10,000 reactions na ang nakuha nito na karamihan ay ‘haha,’ habang higit 100,000 netizens naman ang nakapag-repost at share na ng larawang ito na mabisang pangontra sa banta ng COVID-19.

Larawan mula sa Pexels

Marami naman sa mga netizens ang naaliw sa ideyang ipinakikita ng larawan.

Ayon sa kanila, sa panahon daw na talaga namang nakadududang dumikit sa iba, kahit mukhang may kahirapan, ay gusto nilang subukan ang pagsusuot ng bilog na iyon para sa baywang.

Para naman sa mga kababaihan, puwede raw nilang lagyan ng kaunting kakikayan ang bilog at lagyan ng mga dekorasyon at burloloy para naman daw fashionista pa rin sa kabila ng pagkalat ng COVID-19.

Loading…