Marcelito at Sephy Francisco na doble-kara rin ang singing style nagtanghal kasama si Jed Madela

  • Tatlong world class Pinoy singers, nagtanghal sa ASAP Natin ‘To
  • Nagpamalas ng kanilang talento sina Marcelito Pomoy, Sephy Francisco at Jed Madela
  • Ang tatlo ay pare-parehong nakilala sa world stage dahil sa paglahok sa mga international talent shows

Nagsama sa isang mini concert sa ASAP Natin ‘To, ang longest-running musical-variety TV show ng ABS-CBN, ang tatlong world class Pinoy performers na sina Marcelito Pomoy, Sephy Francisco at Jed Madela.

Screenshot mula sa ASAP Natin ‘To video

Binuksan ni Marcelito ang ASAP performance sa pagkanta ng unang linya ng “We Are the Champions” na inawit niya rin sa finale ng America’s Got Talent: The Champions bago siya sinamahan nina Jed at Sephy.

Pagkatapos ng first number ay sinundan ito ni Marcelito ng “Beauty and the Beast”, ang piyesang inawit niya sa final round ng AGT:The Champions. Sa last verse ng kanta ay sinabayan na siya ni Sephy. Itinuloy si Sephy ang performance sa pagkanta ng “Con Te Par Tiro.”

Tulad ni Marcelito, doble-kara rin ang singing style ni Sephy. Nagagawa rin niyang mag-boses lalaki at boses babae.

Naghiyawan sa tuwa ang studio audience nang awitin ng dalawa ang “The Prayer” kung saan si Sephy ang boses lalaki at si Marcelito ang boses babae. Sa puntong patapos na ang kanta ay pumasok na si Jed at tinapos ang last verse nito.

Sinimulan ni Jed ang “A Whole New World” at sinamahan siya ng Marcelito at Sephy sa dakong gitna nito. Tinapos ng tatlo ang kanilang mini concert sa muling pagkanta ng “We are the Champions.”

Screenshot mula sa ASAP Natin ‘To video

Ang tatlong mahuhusay na mang-aawit ay nakilala sa world stage dahil sa pagsali nila sa mga international talent competitions. Gumawa ng “ingay” si Marcelito sa katatapos lang na AGT: The Champions kung saan nagtapos siya bilang 4th place winner.

Si Sephy Francisco naman ay naging contestant sa “The X Factor UK Season 15,” kung saan isa rin sa mga judges ang kontrobersyal na si Simon Cowell, at sa “I Can See Your Voice” sa South Korea. Nakaduet na niya noong 2018 si Marcelito sa Magandang Buhay show..

Si Jed Madela naman ay nagdala ng karangalan sa bansa noong 2005 nang sumali siya sa “World Championships of the Performing Arts” kung saan nakuha niya ang lahat ng major awards – anim na gold medals para sa anim na kategoryang nilahukan niya, ang Champion Vocalist World Star Trophy at itinanghal na “Grand Champion Performer of the World.” Siya ang kauna-unahang Pinoy na nanalo ng nasabing titulo.

Screenshot mula sa ASAP Natin ‘To video
Source :

ABS-CBN

Loading…