Marjorie Barretto, makahulugan ang mensahe sa ika-23 kaarawan ng anak na si Julia

  • Isa si Julia Barretto sa mga pinag-usapang personalidad noong 2019 dahil sa mga kinasangkutang kontrobersiya
  • Nalampasan ni Julia ang lahat ng ito dahil na rin sa suporta ng kaniyang ina at ng buong pamilya
  • Sa ika-23 kaarawan ni Julia, nagbahagi ng makahulugang birthday message ang inang si Marjorie

Nagdiwang ng ika-23 kaarawan si Julia Barretto noong Marso 10, 2020.  Panibagong yugto ito sa buhay ng aktres na naging kontrobersiyal ang kuwento ng pag-ibig noong 2019.

At sa lahat ng kinaharap na problema, laging nakaalalay sa kaniya ang inang si Marjorie Barretto. Nasaksihan ng ina ang mga pinagdaanan ng anak at kung paano ito pinatatag ng mga isyu at kontrobersiya.

Imahe mula sa Instagram account ni Marjorie Barretto

Katunayan, isang birthday message para sa anak ang ipinaskil ni Marjorie sa kanyang Instagram account.

“Happy Birthday, Julia. Watching you say #GoodByeTo22 is bittersweet for me. You have grown so much the past year,” panimula ni Marjorie.

Lalo rin umanong nakilala ni Marjorie si Julia at kung ano ang magandang kinahinatnan ng anak matapos makaalpas sa mga panghuhusga ng madla; maging ang sakit ng pagkawala ng isang minamahal.

Pinatunayan umano ni Julia kung gaano ito naging mas wais sa pagdedesisyon at kung ano ang mga prayoridad nito.

“You shut off from the outside world, worked harder than ever, focused on the goal, stayed close to me and your siblings, chose your battles and became wiser in choosing your circle of friends.”

Ipinagmalaki rin ni Marjorie ang mga katangian ng anak.

Imahe mula sa Facebook page ni Julia Barretto

“You are strong, brave, determined, hardworking, prayerful, generous, loving, and kind and so ready to take on the world. I am blessed to have you as a daughter,” dagdag nito.

Pinasalamatan ni Marjorie ang anak sa pagmamahal nito sa kanilang pamilya.

“Thank you for loving me so much. May you always continue to find comfort in the arms of our family. God bless you more this year, Jul. Your siblings and I are so proud of you!” pagwawakas ni Marjorie.

Source :

Instagram

Loading…