Marvin Agustin, ibinahagi ang pangamba matapos lagnatin ng ilang araw

Imahe mula sa Twitter/Instagram | Marvin Agustin
  • Sa pamamagitan ng Twitter ay ibinahagi ng aktor na si Marvin Agustin ang pangamba na maaaring may COVID-19 siya matapos ilang araw makaranas ng lagnat
  • Ngunit ibinalita niya rin na ngayon ay magaling na siya at ayon sa mga doktor ay maaaring normal na flu lamang ang naranasan
  • Ilang mga personalidad na sa Pilipinas ang naiulat na nagpositibo sa COVID-19

Matapos ang ilang araw na pag-aalala kung may COVID-19 siya ay nakahinga na nang maluwag ang aktor na si Marvin Agustin dahil nawala na ang kaniyang lagnat.

Imahe mula sa Twitter | Marvin Agustin

“Tail end na of my flu. No more fever. Wala naman shortness of breath kaya sabi ng DOH at doctor ko, mukhang normal flu,” sabi niya sa isang tweet. Sa kabila nito ay nagdesisyon siyang ipagpatuloy ang self quarantine upang makasigurado.

Kamakailan lamang ay ibinahagi ng aktor ang pangamba na maaaring may COVID-19 siya matapos ilang araw na lagnatin.

“I am not sure if I got coronavirus. I have just recovered from high fever,” aniya sa kaniyang tweet na may kalakip na larawan ng mga thermometer. “Day 1: 38.2; Day 2: 39.2; Day 3: 38; Day 4: 36.4”

Imahe mula sa Instagram | Marvin Agustin

Wala naman daw siyang maalalang contact sa isang person under investigation at matagal na ring walang physical contact sa ina na sumasailalim sa chemo at kasama niya sa bahay. “Ganiyan kami ka-paranoid dito sa bahay. Mahirap pero lumalaban. Pero alam ko na may mas mahirap pang pinagdadaanan ang ibang tao,” dagdag niya.

Hindi rin daw siya nakakuha ng COVID-19 test dahil wala siyang sintomas at hindi priority.

“I can’t get tested kasi wala na akong symptoms at hindi raw ako priority to get tested dahil limited pa rin ang testing kits. Nakalulungkot pero iyon ang sitwasyon at kailangan maging pasensyoso sa paghihintay,” sabi ni Marvin.

Sa ngayon ay aktibo si Marvin sa pagtulong sa mga frontliner. Naghahanap siya ng mga volunteer na maaaring magluto ng pagkain.

Ilang mga personalidad na sa bansa ang nagpositibo sa COVID-19 tulad ni Sen. Juan Miguel Zubiri at aktor na si Christopher De Leon.

Source :

Twitter, Twitter

Loading…