Mass testing sa halip na lockdown laban sa COVID-19, suhestyon ni Sen. Win Gatchalian

  • Mass testing ng posibleng carrier ng coronavirus sa halip na lockdown, iminungkahi ni Senator Gatchalian
  • Ang mass testing na ginawa ng South Korea ay malaking tulong umano sa pagbaba ng infection rate sa nasabing bansa
  • Sinabi ng senador na malaking bagay ang naimbetong testing kits ng mga UP scientists para makapagsagawa ng mass testing sa bansa

Dapat umanong pamarisan ng Pilipinas ang ginawa ng South Korea upang makontrol ang pagkalat ng nakahahawang COVDI-19, suhestyon ni Senator Sherwin “Win” Gatchalian.

Imahe mula sa HaB Korea

Sa halip na magpatupad ng lockdown, dapat daw magsagawa ng mass testing ang pamahalaan tulad ng ginawa sa South Korea. Mahirap umanong ipatupad ang lockdown sa Pilipinas lalo na’t maraming entry at exit points ang bansa.

“What I want to study and urge DOH (Department of Health) to study is the Korean model wherein they didn’t lock down Korea but they implemented massive testing activity wherein they already tested 140,000 patients there,”  aniya.

Sa kasalukuyan ay kulang na kulang ang testing kits ng bansa. Ito ay dahil sa nararanasang global shortage ng kits para ma-testing ang mga potensyal na COVID-19 cases, subalit sinabi ng senador na magandang balita ang naimbentong COVID-19 testing kits ng mga scientists mula sa University of the Philippines.

Aniya, bukod sa mas mura ang presyo ay locally available pa ang mga nasabing testing kits.

“That’s why the locally invented testing kit from UP is a game changer in terms of curbing COVID-19 here in our country. Game changer meaning it’s affordable, it’s locally available and it can be given to local governments,” paliwanag ng senador.

Imahe mula sa Manila HealthTek, Inc.

Noong Martes, ika-10 ng Marso, ay inaprubahan na ng FDA ang testing kits na gawa ng mga UP scientists.

Naniniwala si Sen. Gatchalian na may kakayanang pondohan ng gobyerno ang mass testing ng potensyal na COVID-19 cases sa bansa.

Imahe mula sa CDC
Source :

ABS-CBN, SCMP

Loading…