Matteo Guidicelli, nilinaw na walang planong magpakasal sa Italy bago pa man ang banta ng COVID-19

Imahe mula sa Instagram | Matteo Guidicelli
  • Naging usap-usapan ang secret wedding nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo
  • Inaabangan din ng kanilang mga taga-suporta ang engrandeng kasal daw ng dalawa na gaganapin sa Italy
  • Itinanggi naman ni Matteo na may plano silang magpakasal sa Italya, kung saan marami nang kas0 ngayon ng COVID-19

Kamakailan lamang ay pinag-usapan ang secret wedding nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo. Sa kabila ng kontrobersiyang bumahid dito , marami ang humanga sa simpleng kasal nila — ang suot na damit ni Sarah sa taping ng The Voice Teens ang siya ring suot niya sa larawang ibinahagi ni Matteo at tila wala ring magarbong reception matapos ang seremonya.

Imahe mula sa Instagram | Matteo Guidicelli

May mga kumalat tuloy na usap-usapan na gaganapin ang magarbong kasal ng dalawa sa Italy ngayong Marso. Ngunit naka-lockdown ngayon ang Italy dahil sa mataas na kas0 ng COVID-19 na naitala rito.

Sa isang panayam nang pormal na tanggapin ni Matteo ang pagiging youth ambassador ay tinanong si Matteo kung may magaganap bang kasalan sa Italy. Nilinaw ni Matteo na bago pa man tumama ang COVID-19 doon ay wala naman daw talaga silang planong magpakasal sa Italy.

“With the development that some areas in Italy have been locked down, I asked Matteo if plans for a wedding in Italy would still push thru. He clarified that there were no plans of a wedding in Italy to begin with. Even before the issue of the CoViD-19,” sabi ng entertainment reporter na si MJ Felipe sa kaniyang tweet.

Imahe mula sa Instagram | Matteo Guidicelli

Nabahiran ng kontrobersiya ang kasalang Matteo at Sarah noong Pebrero 20 matapos daw na sumugod ang Mommy Divine ni Sarah dahil hindi nito alam na ikakasal pala ang kaniyang anak.

Ipina-blotter din ni Jerry Tamara – ang close-in security ni Sarah, si Matteo matapos umano siyang suntukin sa lalamunan ni Matteo. Lumapit din siya sa programa ng radio broadcaster na si Raffy Tulfo upang makausap

Sa huli ay nagkaayos naman ang dalawang kampo matapos na tumanggap ng P200k settlement si Tamara.

Source :

Pep PH, Twitter

Loading…