Mayor Vico Sotto kaugnay ng suspensyon ng klase: “Hindi po ito bakasyon”

  • May paalala si Pasig City mayor Vico Sotto hinggil sa suspensyon ng mga klase
  • Hindi umano ito panahon para magbakasyon at maglakwatsa
  • Hinikayat niya ang mga mag–aaral, at maging ang mga nakatatanda na rin, na manatili sa kani–kanilang mga bahay bilang bahagi ng precautionary measures kaugnay ng COVID–19

Nagpaalala si Pasig City mayor Vico Sotto na ang suspensyon ng mga klase sa Pasig, at maging sa kalakhang Metro Manila, ay hindi bakasyon kundi precautionary measures upang mapigilan ang pagkalat ng Coronovirus Disease 2019 o COVID–19.

Mapapanood sa isang Facebook post ang video ng mensahe ni Mayor Vico para sa kaniyang mga nasasakupan, batay na rin sa nauna nilang suspensyon ng lokal na pamahalaaan ng Pasig, bago pa man ang deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte noong gabi ng Marso 9, 2020 na nagsususpinde sa klase sa lahat ng antas para sa NCR o National Capital Region.

Public Domain Image

“Hinihikayat po natin ang mga magulang at guardians na itong ‘walang pasok’ ay hindi po ito bakasyon, hindi panahong pumunta sa malls o maglakwatsa. Mag–stay tayo sa bahay hangga’t maaari. Precautionary measure po ito,” ayon sa mayor ng Pasig.

Aprub na aprub naman dito ang taga–Pasig at nagbigay pa ng komento ng papuri sa kanilang mayor.

“This guy is actually doing a good job in Pasig and Isko is doing better job than Estrada before,” saad ng isa.

Sabi naman ng isa, “So true. Kasi balewala ang purpose ng suspension kung pakalat–kalat din naman tayo unless may super importanteng lakad na hindi kayang i-postpone.”

“Mga pasaway din po kasi mga kabataan now, gusto pa maglakwatsa at magbarkada kaysa mag–stay sa bahay nila… pero hindi nman lahat. Ito na ang chance ninyo para makatulong sa mga gawain sa bahay, o mag–aral ng mga lessons. Make your day a productive one guys,” payo naman ng isa.

Public Domain Image

Samantala, nanawagan naman ang Department of Interior and Local Government sa mga city mayors, mga punong barangay, at kapulisan na maging mahigpit sa pagpapauwi sa mga mag–aaral na mamamataan pa ring naglalakwatsa sa mga malls at iba pang matataong lugar.

Loading…