Med student, kinaaliwan sa kanyang IG filter kasama ang anatomical model na boyfriend

  • Uso ngayon ang paggamit ng mga Instagram filters dahil sa dala nitong good vibes
  • Kinaaliwan ang Instagram filter video ng isang medical student kasama ang kanyang babe
  • Relate sa paggamit ng nakatutuwang Instagram filter ang mga netizens na karamihan ay millennials

Isa ka ba sa mga millennials na nahuhumaling sa Instagram filters? Sino ba namang hindi matutuwa dahil bukod sa nakagaganda ang ilan sa mga ito, siguradong patok rin ang mga nakatatawang paandar na filter.

I-click ang imahe upang mapanood ang video

Isang medical student ng FEU-NRMF na nagngangalang Jules Diwas ang nagbahagi sa kanyang Facebook account ng isang nakaaaliw na video kasama ang kanyang tinatawag na “babe.”

Ang naturang video ay mula sa isang Instagram filter na tinatawag na “Who is more __?” Couple’s Edition kung saan dapat kasama ang partner sa pagsagot ng mga tanong patungkol sa kanilang relasyon sa pamamagitan ng pagtango.

“Babe time,” ayon sa caption ni Diwas subalit kapansin-pansin na ang kanyang kasama sa video ay hindi totong tao kundi isang anatomical model ng tao.

Good vibes ang hatid ng video lalo na sa anatomical model na akala mo ay totoong sumasagot sa bawat tanong na lumalabas sa screen.

Sa una at ikalawang tanong ay magkasundo at pareho ang sagot ng dalawa. Subalit pagdating sa ikatlong tanong, nagturuan ang dalawa sa tanong na “Sino ang mas matagal mag-ayos tuwing may date (Who takes longer to get ready for dates)?”

“Ikaw kaya…” natatawang sambit ni Diwas sa kanyang anatomical model babe matapos nilang sagutin nang magkaiba ang huling tanong.

Ang nakaaaliw na video ni Diwas ay umabot na ngayon sa 47k reactions, 5.9k comments, at 26k shares.

Imahe mula sa Facebook account ni Jules Diwas

Bukod sa filter na ito, marami pang ibang kinahuhumalingan ang mga netizens sa Instagram.

Nariyan ang Music Challenge kung saan lalabas ang pangalan ng singer sa bandang noo at dapat ay makanta mo ang kahit anong maisip mong kanta niya, ang Face Switcheroo kung saan magkakapalit kayo ng iyong katabi ng ilang bahagi sa inyong mukha, ang Which Disney? kung saan ipapakita naman ang iyong kamukhang Disney character, at marami pang iba.

Loading…