Mensahe ng health worker sa publiko: “Do not underestimate the situation, stay at home”

  • Nagpaalala sa publiko ang isang health worker
  • Makiisa at sumunod daw ang lahat sa direktiba ng pamahalaan hinggil sa Enhanced Community Quarantine
  • Huwag daw maliitin ang sitwasyon kaya’t manatili na lamang sa loob ng tahanan at lumabas lamang kung talagang kailangan

Hindi lamang ang mga awtoridad ang makulit at maya’t mayang nagpapaalala sa publiko na sundin ang direktiba ng lokal at nasyonal na pamahalaan na isagawa ang “Enhanced Community Quarantine” upang maiwasan na ang paglaganap ng COVID–19. Maging ang mga health workers na nagsisilbing frontliners sa labang ito ay nagpaalala na rin.

Ayon sa Facebook post ng isang health worker na si “Lourdes Suque”, hindi naman daw sa nananakot siya sa publiko, subalit kailangan daw talagang makaramdam ng takot ang lahat, kaya sundin na lamang ang direktiba ng pamahalaan.

Public Domain Image

“My dear country men, I am in the medical field and I in my capacity as a doctor would like to give you the harsh reality of our situation. Some will say, nanakot ako. Ang totoo, dapat talaga tayo matakot. Please heed our government’s directives,” ayon sa post.

Sinuman daw na tamaan ng COVID–19 ay dadalhin sa ospital, at walang magiging bantay sapagkat pagbabawalang lumapit ang mga kaanak ng naturang pasyente. Sa dami raw ng maaaring matamaan nito, hindi lahat ay maa–accommodate ng mga ospital dahil kulang sa mga aparato. Magiging prayoridad ang mga pasyenteng talagang nangangailangan nito.

“Kapag kayo ay tinamaan ng COVID–19 at nagka–Pneumonia kayo, sa ospital wala kayo magiging bantay. At dahil sa dami ng tatamaan ng sakit na ito, hindi kayo lahat ma–accomodate sa mga hospitals. Kukulangin din ang mga respirators. Pipiliin na lang ng mga medical personnel ang mga may pag–asa pa mabuhay at sila na lang ang bibigyan ng mga life saving equipment at devices,” ayon sa post.

Kaya mahigpit niyang paalala, “No business outside, please stay at home. Tell all your relatives, neighbors, even strangers. Do not under estimate the situation. Please pray. God bless us all.”

Public Domain Image

Umani naman ito ng komento mula sa mga netizens.

Sabi ng isa, “Sana nga mag–cooperate at sumunod mga kababayan natin. Kapag tayo ay mag–cooperate LAHAT then babalik ang normal na pamumuhay natin. Please let us cooperate. God bless us all. Thank you.”

“Agree 100%! Kaya huwag tigas ang ulo mga kabayan at huwag pilosopo kung gusto ninyo pang mabuhay nang matagal,” ayon naman sa isa.

Turan naman ng isa, “Thanks po clear na clear. Sana sumunod na lamang po tayong lahat.”

Walang masama kung susundin ang mga direktiba ng pamahalaan kaugnay ng pagsugpo sa COVID–19. Magkaisa at makiisa!

Source :

Facebook

Loading…