Mensahe ng isang wife: “The grandeur of your wedding does not guarantee the success of your marriage”

  • Wala raw sa engrandeng kasal ang ikatatagumpay ng pagsasama ng mag–asawa
  • Ayon ito sa isang wife na ibinahagi ang kanilang kuwento ng kaniyang asawa na minabuting gawing simple lamang ang kanilang kasal
  • Mas mainam daw na magplano para sa kinabukasan

Para sa karamihan ng mga babae, isang “dream come true” ang magkaroon ng isang marangyang kasal, kasama ang taong mahal niya. Iba pa rin ang pakiramdam na naglalakad sa aisle ng simbahan, may hawak na pulumpon ng mga bulaklak, at sasalubungin ng lalaking makakasama habambuhay, at sabay na mangangako sa dambana ng Diyos.

Subalit may paalala ang isang wife sa Facebook page na “Mom Life Advisor” na hindi nakasalalay sa magarbong wedding ang ikatatagumpay ng isang marriage. Aniya, hindi ang wedding ang kanilang naiplano noong nagbabalak silang magpakasal kundi negosyo.

Imahe mula sa Facebook page na Mom Life Advisor

“My husband and I did not spend on a big wedding. We chose to use whatever we had to start our own businesses- at 25, his very own sole proprietorship construction company and mine at 24, a catering business,” panimula niya sa kaniyang post.

Ipinagmamalaki ng naturang wife na sa loob ng tatlong taong pagsasama, ang kanilang mga negosyo ang naging main source nila ng kanilang mga pangangailangan at kagustuhan. Ikinasal man sila sa pamamagitan ng civil wedding, ibinida niyang hindi sila kailanman humingi ng pera mula sa kanilang mga magulang o kaanak.

“Both our businesses are now 3 years old and has been our main source for our needs/wants, providing our people with a living too and giving us a life that allows us to spend ample time with our young family. We had a very simple civil wedding with just a few of our friends and family, did not ask for money from our relatives or parents and we even held the reception in our old home,” saad ng wife.

Sa pagpapatuloy niya, “Looking back, I would not have changed a thing. I hear stories about couples who take a loan or be in debt to finance their weddings. While I also cheer for beautiful weddings, I highly encourage others not to do this. Make do with what you have and what you can afford. There is no use for a pretty wedding when you are broke after.”

Public Domain Image

Bilang panghuli, pinaalala niyang wala sa magarbong wedding ang ikatatagumpay ng isang marriage. Ayos lamang naman daw na magkaroon ng isang maganda at hindi malilimutang seremonya ng kasal, subalit huwag pa ring kalimutang magplano para sa kinabukasan.

“The grandeur of your wedding does not guarantee the success of your marriage. Strive for that beautiful wedding, but do not forget to plan for your marriage and the rest of your life together,” sa pagwawakas ng post.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

Sabi ng isa, “After all it’s the marriage not the wedding that will count! Kudos!”

“Having a right partner is better than having a perfect wedding. If you can make your wedding as grandeur as what you’ve been dreaming of, well go on – it’s your life. There’s no WRONG having that kind of bombastic wedding! The real thing here is whether how simple or extravagant your wedding was… you are married to the one you love,” ayon naman sa isa.

Isa itong magandang inspirasyon sa mga taong nagnanais nang lumagay sa tahimik kasama ang kanilang mga mahal!

Loading…