Mensahe ni Pope Francis: “Huwag kalimutan ang mga mahihirap sa panahon ng krisis”

  • Nagbigay ng paalala ang Santo Papa ng Simbahang Katoliko na si Pope Francis
  • Huwag umanong pabayaan ang mga mahihirap sa panahon ng krisis
  • Huwag din umanong pabayaan ang mga batang nagugutom

Nagpaalala ang Santo Papa na si Pope Francis sa kaniyang televised morning homily noong Huwebes, Marso 12, 2020, na ginanap sa Casa Santa Maria, Vatican City na huwag kalilimutan ang mga mahihirap sa panahon ng krisis lalo’t nararanasan ng buong mundo ang pananalasa ng COVID–19.

“Maybe we today, here in Rome, are worried because it seems that the shops are closed, I have to go buy that, and it seems that I cannot go for a walk every day, and it seems this… We forget those poor people who are on the borders of countries, looking for freedom…” ayon sa mensahe ng Santo Papa.

Public Domain Image

Matapos ihayag ng World Health Organization o WHO na ang global COVID-19 outbreak ay isa nang pandemic noong Marso 11, natakda si Italian Prime Minister Giuseppe Conte ng iba’t ibang mga restrictions, lalo na ang pagsasara sa serbisyo ng ilang mga negosyo, restaurants, at cafes sa buong Italya.

Nakiusap ang Santo Papa na huwag naman pabayaan ang mga batang nagugutom na maaaring walang magagawa sa kasalukuyan at walang kapasidad na humanap ng kanilang makakain. Huwag daw sanang maging makasarili ang mga tao.

Aniya, “This is what selfishness does in us: it makes us lose our real identity. We have fallen into the culture of adjectives where your value is what you have, what you can do.”

Sa kasalukuyan, pinakamarami na ang kaso ng COVID–19 sa Italya, at sa iba pang bansa sa Europa. Dahil dito, idineklara ng WHO na ang epicenter ng COVID–19 ay nasa kontinente ng Europa na. Matatandaang nagsimula ito sa Wuhan, China.

Isinagawa ang nationwide quarantine sa buong Italya sa pamamagitan ng pagbabawal sa mga malakihang kasiyahan at pagtitipon sa bawat rehiyon at bansa. Hinikayat ang lahat na manatili sa kani–kanilang mga tahanan, subalit maaari pa ring lumabas upang magtungo sa trabaho, o bumili ng pagkain at iba pang mga pangangailangan sa grocery store, o kaya’y gamot sa mga botika.

Inihayag din ni Pope Francis na ang kaniyang mga misa ay mapapanood na lamang ng livestream dahil sa pagsususpinde ng mga public religious ceremonies sa Italya hanggang Abril 3.

“We continue to pray together, in this moment of pandemic, for the sick, for family members, for parents with children at home… ani Pope Francis.

Public Domain Image

Dagdag pa niya: “But above all, I would like to ask you to pray for the authorities: they must decide, on measures that people do not like. But it is for our sake … We pray for our rulers who must make the decision on these measures that they feel accompanied by the prayers of the people”.

Hangad natin ang mabilisang pagkawala ng COVID–19 sa buong mundo!

Loading…