Meralco, ititigil muna ang meter reading sa panahon ng ECQ; ibabase ang bill sa average consumption ng nakaraang 3 buwan

  • Ipatutupad ng Meralco ang pagbabago sa kanilang meter reading scheme ngayong buwan dahil sa ECQ
  • Ayon sa Meralco, wala munang meter reading na magaganap sa panahon ng ECQ at ibabase na lang ang bill sa average consumption sa nakaraang tatlong buwan
  • Ito ay ayon daw sa rekomendasyon na rin ng Energy Regulation Commission (ERC)

Bilang pagtupad sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa buong bansa, maraming negosyo at serbisyo ang gumawa ng kani-kanilang adjustments upang patuloy na mabigyan ng paglilingkod ang kanilang mga customers. Sa mga ganitong panahon, mahalaga maayos na serbisyo ng kuryente lalo na’t maraming mamamayan ang nasa loob lang ng kani-kanilang mga tahanan.

Dahil dito, gumawa ng kaunting pagbabago ang Manila Electric Company (Meralco) sa pagtukoy kung magkano ang magiging monthly bill ng kanilang mga consumer. Ayon sa official statement na inilabas ng kompanya sa kanilang social media account, ititigil daw muna nila ang pagsasagawa ng physical meter reading at pagdadala ng printed bills, epektibo hanggang Abril 12 alinsunod sa enhanced community quarantine.

Larawan mula sa Meralco

Lahat daw ng kanilang customers na mayroong naka-schedule na meter reading sa mga petsang, Marso 17 hanggang Abril 14, ay tutukuyin ang magiging month bill para sa buwang ito sa pamamagitan ng pagkuha ng average consumption ng kuryente sa nakaraang tatlong buwan. Ito ay alinsunod raw sa mungkahi ng Energy Regulatory Commission (ERC).

“Due to the enhanced community quarantine, Meralco is holding off on physical meter reading and billing deliveries, For customers with meters scheduled to be read from March 17 to April 14, billing will be estimated based on your average consumption for the past three months, as prescribed by the Energy Regulatory Commission (ERC),” pahayag ng Meralco sa kanilang social media accounts.

“The difference will be reflected on your next bill and corresponding charges will be adjusted. For details, we encourage you to stay at home and message us on Facebook or Twitter, check our website, or call our hotline 16211,” pagpapatuloy ng Meralco.

Larawan mula sa PNA/PTV

Bago ang kanilang anunsiyo tungkol sa paghinto ng meter reading at pag-deliver ng bills, una nang inanunsiyo ng Meralco na magbibigay sila ng 30-day payment extension sa kanilang mga consumers na apektado ng community quarantine na ipinatutupad ng pamahalan.

“Nakikiisa ang Meralco sa laban na ito, kaya’t lahat ng Meralco bills due from March 1 to April 14, 2020 ay magkakaroon ng 30-day payment extension mula sa due date,” pahayag ng electric company.

Loading…