Mga aso, naispatang sumunod sa social distancing

  • Naispatan ang mga asong sumunod sa “social distancing”
  • Ang social distancing ay paglayo sa ibang tao ng may distansiyang 1 metro o higit pa
  • Hinihikayat ng DOH na obserbahan at isagawa ito upang masugpo ang paglaganap ng COVID–19

Bilang bahagi ng preventive measures na inilatag ng Department of Health o DOH upang masugpo ang paglaganap ng Coronavirus Disease 2019 o COVID–19, ipinag–uutos na isagawa ang “social distancing” o pagkakaroon ng sapat na distanya sa pakikipag–usap o pakikihalubilo sa kapwa, na may agwat na isang metro o mahigit.

Kaya naman, kinatuwaan ng mga netizens ang Facebook post na makikita sa page na “Good Vibes” kung saan makikita ang larawan ng tatlong asong nakahiga sa semento, at sumunod sa direktiba ng DOH. Ayon sa caption,
“Buti pa ang mga aso marunong sumunod sa social distancing.”

Imahe mula sa Facebook page na Good Vibes

Umani naman ito ng komento mula sa mga netizens.

Sabi ng isa, “Buti pa ang mga hayop marunong silang sumunod. Hahaha. Sana naging aso na lang yung mga pasaway. I’m not referring to those na need talagang lumabas dahil call of duty dahil kailangang kumayod. I’m referring to those na naiinip daw sa loob ng bahay kaya lumalabas pa rin.”

“Ang cute ng mga aso! Buti pa kamo nasa tabi pa sila, yung iba ginawang parking lot ang kalsada,” turan naman ng isa.

Ayon sa mga eksperto sa , binigyan nila ng pagpapakahulugan ang social distancing bilang “set of nonpharmaceutical infection control actions intended to stop or slow down the spread of a contagious disease.” Layunin nitong masawata o mapigilan ang posibilidad na mailipat ng isang taong carrier o infected ang virus at hindi na ito kumalat pa.

Batay kasi sa mga pag–aaral, naililipat ang COVID–19 sa panibagong “host” sa pamamagitan ng droplets na maaaring magmula sa pagbahing, pagsinga, pag–ubo, pagdura, o simpleng pagsasalita. Kung hindi naman maiiwasan, tiyaking regular na maghugas ng mga kamay gamit ang mapagkakatiwalaang sabon at running water.

Maaari ding maligo, magpalit ng damit, at magsanitize. Mas mainam din na hangga’t maaari, huwag nang lumabas ng bahay at isagawa ang home quarantine upang wala nang makahalubilong ibang tao. Sabi nga, “prevention is better than cure”. Mas makabubuting umiwas kaysa magsisi sa huli.

Public Domain Image

Loading…