Mga bagong CCTV camera sa Maynila, may facial recognition technology na

  • Mga bago at high-tech na CCTV camera na ang makikita sa lungsod ng Maynila
  • Ibinida ng pamahalaan ng Maynila ang kanilang mga surveillance camera na mayroon nang facial recognition technology at kayang makabasa ng plaka ng sasakyan kahit pa nasa madilim na lugar
  • Ayon pa kay Mayor Isko Moreno, ginawa nila ito para sa seguridad ng mga residente at para mabilis na ma-detect ang mga taong may record sa pulisya na madadaan sa lungsod

Ibinida ng pamahalaan ng Maynila ang mga bago nilang CCTV camera na may facial recognition technology na.

Imahe mula sa Youtube video ng 24 Oras

Sa ulat ng programang 24 Oras ng GMA News, sinabi ni Manila City Mayor Isko Moreno na paraan nila ito upang masiguro ang seguridad ng mga residente sa lungsod.

“Gusto lang namin maiparamdam na karapatan ng mga taga-Lungsod ng Maynila na mamuhay nang payapa at panatag,” ani Mayor Isko Moreno sa kaniyang panayam sa GMA News.

Ipinaliwanag din ng alkalde na rerespetuhin pa rin nila ang privacy ng mga mamamayan.

Makatutulong umano ang pagkakabit nila ng mga high-tech na CCTV camera upang mabilis na ma-detect ang mga taong may criminal record lokal man o international na madadaan sa Maynila.

Una nang nagbigay paalala ang Supreme Court tungkol sa Anti-Wiretapping Law o ang paglalagay ng mga surveillance camera na maaaring mahimasukan ang pribadong buhay at usapan ng mga mamamayan at business entities.

Nilinaw naman ng alkalde na mananatiling nasa pampublikong lugar lang ang mga CCTV camera upang hindi mangyari ang ikinababahala ng Supreme Court,

Ang mga bagong surveillance camera na makikita sa Maynila ay mayroon nang facial recognition feature. Agad itong magbibigay ng signal o alarm kapag may nahagip na mukha ng taong may record sa PNP, NBI, PDEA, at iba pa.

Imahe mula sa Manila Public Information Office | Facebook page

Kaya na rin nitong mabasa at mag-produce ng malinaw na imahe ng conduction stickers at plaka ng mga sasakyan kahit pa madilim ang lugar na napagkuhanan.

Layunin nitong makatulong sa mga insidenteng may kinalaman sa mga sasakayan sa lungsod.

Panoorin ang balitang ibinahagi ng 24 Oras via YouTube channel:

 

Source :

Youtube, GMA

Loading…