Mga basurero, nakiusap na itapon nang maayos ang mga gamit na mask

Imahe mula sa Facebook | Reymond Ramil
  • Sa pamamagitan ng isang post ay nakiusap ang isang basurero sa mga residente na itapon nang maayos ang mga gamit nang face mask
  • Aniya, sana ay ilagay nila ito sa loob ng plastic bago itapon
  • Ito raw ay upang maiwasan na mahawa sila sa COVID-19

Sa pamamagitan ng isang Facebook post ay inilabas ng netizen na si Raymond Ramil ang saloobin ng mga basurero sa gitna ng COVID-19.

Hiniling nila sa mga residente na sana ay itapon nang maayos ang mga gamit nang face mask dahil maaari itong magdala ng peligro sa kanila at sa kanilang pamilya.

Imahe mula sa Facebook | Reymond Ramil

“Sa mga residente ng Quezon City, tulungan ninyo po kaming mga basurero. ‘Yong mga disposable mask po na ginamit ninyo, paki-bukod po ng plastic. ‘Wag ninyo pong isama sa mga ordinaryong basura ninyo,” aniya. “‘Yon lang po, malaking tulong na po para sa aming mga paynante [pahinante].”

Marami namang mga netizens ang nakaunawa sa kanila at nagbigay ng paalala sa mga residente. “Pakigupit din sana yung mask para hindi nagagamit ng iba. Yung iba kasi, nirerecycle pa e,” sabi ni JP S.

“Be safe po and sorry for being irresponsible. May mga tao pong hindi informed sa mga ganitong type of wastes. Sana bigyang pansin din yung proper disposal ng mga wastes materials lalo na yung mga infectious, sharp [objects], needles, and so on,” sabi naman ni Jose O.

Imahe mula sa Facebook | Reymond Ramil

Hiling naman ng ilan, sana raw ay mabigyan ng personal protective equipment (PPE) kagaya ng gloves at mask ang mga basurero upang makaiwas sa pagkahawa sa COVID-19.

Ang iba, nagpasalamat din sa mga basurero na patuloy na ginagampanan ang kanilang tungkulin.

“Salute sa lahat ng mga garbage collector. Mga silent heroes. Kung hindi dahil sa inyo, mas puwedeng lumala ang virus,” ani Mhia L.

“Salamat po sa paalala. Salamat din po sa kabayanihan ninyo na gampanan ang inyong tungkulin sa kabila ng risk na dala ng inyong propesyon! Mabuhay po kayo,” sabi naman ni Nimfa D.

Source :

Facebook

Loading…