Mga curriculum vitae na may mali–maling impormasyon, kinaaliwan

  • Kinaaliwan ng mga netizens ang dalawang larawan na nagpapakita ng mga curriculum vitae
  • Makikita ang ilang mga pagkakamali sa ilang mga pangunahing impormasyong tinatanong sa mga may–ari nito tulad ng petsa ng kapanganakan at status
  • Isinasaad sa curriculum vitae o CV ang buong detalye ng academic at professional career ng isang tao

Ang curriculum vitae ay tala ng ilang mahahalaga at pangunahing impormasyon hinggil sa isang tao, kasama na ang kaniyang mga achievements pagdating sa larangan ng akademya o pag–aaral. Isa ito sa mga pangunahing kailanganin o requirements sa pag–aplay sa isang trabaho. Lahat ng mga propesyal ay nararapat na maalam sa paggawa nito.

Kaya naman, nagbunsod ng katatawanan ang ibinahaging Facebook post ng isang netizen na nagngangalang “Romel” kung saan makikita ang dalawang larawan ng mga curriculum vitae na naglalaman ng ilang mga mali–maling impormasyon, na mahihinuhang isang requirement sa isang asignatura sa isang paaralan sa Zamboanga Del Sur.

Imahe mula sa Facebook account ni Romel Cutamora Robledo

Sa unang curriculum vitae na pagmamay–ari ng isang babae, makikitang ang nakalagay sa petsa ng kapanganakan nito ay “August 01, 2020” na nangangahulugang isisilang pa lamang siya sa mundong ibabaw. Kaya napa–”sana all fetus” na lamang ang uploader. Bukod dito, “taken” ang inilagay nito sa “status” sa halip na single, married o widowed.

“Taken” din ang isinulat ng lalaking may–ari ng pangalawang curriculum vitae, bagama’t halos tama na rin ang ilang mga nakalagay na impormasyon dito, maliban sa ilang mga pagkakamali sa paggamit ng bantas.

Umani naman ito ng komento mula sa mga netizens.

“Hahaha natawa ako sa date of birth, advance mag–isip, nasa sinapupunan pa lang may curriculum vitae na. Ikaw na teh hahaha,” saad ng isa.

Sabi naman ng isa, “Iyan ang epekto ng kaka–internet… mga simpleng proof reading at accuracy lang sa mga basic information na dapat ilagay hindi pa magawa nang maayos. Ayoko na sa earth hahaha. Sana all fetus”.

“Matatawa ka na lang talaga sa kabataan ngayon. Sana all taken, sana all fetus!” sabi naman ng isa.

Public Domain Image

May mga pagkakaiba ang curriculum vitae sa resume. Ito ay ang haba, layout, at layunin ng dokumento. Walang length limit ang curriculum vitae habang ang resume naman ay karaniwang mula isa hanggang dalawang pahina lamang. Isinasaad din sa CV ang buong detalye ng academic at professional career habang ibinubuod naman ng resume ang mga kasanayan at karanasan sa trabaho ng isang tao.

Loading…