Mga eskwelahan, pinag-iingat sa babaeng nagpapanggap na mag-iinquire bago mananalisi

Imahe mula sa Facebook | Alabang Bulletin
  • Pinag-iingat ang mga establisyimento sa isang babae na nagpapanggap na ie-enroll ang kaniyang mga anak ngunit mananalisi naman pala
  • Nagpanggap siya bilang isang ‘Cecil Altamirano,’ na isa rin sa kaniyang mga nasalisihan 
  • Kamakailan lamang ay nagpanggap itong ie-enroll ang mga anak bago kuhanin ang wallet ng isang receptionist

Nagbabala ang isang Facebook page tungkol sa isang babaeng nagpapanggap na ie-enroll ang kaniyang mga anak bago mananalisi sa mga ekuwelahan at tutorial center sa Alabang.

Imahe mula sa Facebook | Alabang Bulletin

Ayon sa Alabang Bulletin, nagpapanggap ang babaeng ito bilang isang “Cecil Altamirano” ngunit ang tunay na si Cecil Altamirano ay isa rin umano sa kaniyang mga naging biktima at natangayan niya ng wallet na naglalaman ng mga identification at credit cards.

“I am the real Cecile Altamirano and the woman in your post used my identity! She is the same person who pretended to enroll her twins in my tutorial center and took my wallet with all my IDs including all my credit cards,” ayon sa post ng Alabang Bulletin.

Gamit ang credit card ni Altamirano, nakabili raw ang suspek ng relo na may halagang P55,000 at dalawang cellphone na may halagang P30,000. Nai-report na niya umano ang insidente sa mga awtoridad noong Sept 25. Dagdag pa ni Altamirano, ninakawan rin niya ang isang paaralan sa Paranaque at nakakuha ng P150k mula sa mga madre.

“This happened a week after she took my wallet,” aniya.

Imahe mula sa Facebook | Alabang Bulletin

Samantala, nitong buwang kasalukuyan lamang ay muli na namang nakapanlansi ang babae.

“This woman pretended to be a mom of twins living in Ohana Residences. Last Wednesday, March 4, she inquired in a daycare at The Village Square Mall Alabang and was planning to enroll her kids. When she had the chance, she took the wallet of the receptionist from her bag under the table. Please beware of this woman. She might be still around Alabang looking for establishments to victimized,” sabi sa post.

Paalala pa nila, maging alerto sa mga pumapasok sa mga shop dahil hindi raw lahat ay customer.

Samantala, kung nakita o nakikilala ninyo ang salarin, maaaring itawag sa mga awtoridad upang siya’y agad na masawata.

Source :

Facebook

Loading…